Halos P7M halaga ng shabu, nakuha sa 2 suspek

June 2, 2022 Edd Reyes 79 views

HALOS umabot sa P7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation Miyerkules ng gabi sa Parañaque City. Nakumpiska sa mga nadakip na suspek ang humigit-kumulang na isang kilo ng hinihinalang shabu na may katumbas na kabuuang halagang P6,900,000, marked money, at mobile phone. Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE