Francisco Pinangunahan nina MPD Director, P/Brigadier General Leo ” Paco” Francisco at PCol. Nicanor Salvador, DDDA, ang paglalagay ng mga bagong rank sa balikat ng mga kapulisan ng MPD sa donning of ranks na ginanap sa quadrangle ng MPD sa U.N,Ave,Ermita Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

Halos 500 miyembro ng MPD na-promote

December 2, 2021 Francis Naguit 376 views

NASA halos 500 tauhan ng Manila Police District (MPD) ang binigyang parangal Miyerkules sa mismong tanggapan nito.

Umaabot 496 na mga pulis ng MPD ang tumaas ang ranggo sa ilalim ng pamumuno ni MPD Dir. Police Brig. Gen. Leo Francisco.

Nabatid na ang MPD ang siyang may pinakamaraming bilang ng mga pulis na na-promote ngayong 2021.

Dahil dito, umaasa si Francisco na lalo pang pagbubutihin ng kaniyang mga tauhan ang kanilang trabaho, lalo na ngayong mas kailangan sila ng publiko sa panahon ng pandemya.

Bukod sa MPD, ikinakasa rin ang simultaneous mass oath taking at donning of ranks sa buong Metro Manila at iba pang district ng pulisya sa pamumuno ni Police Maj.General Vicente D.Danao Jr., chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE