Kathniel

Halikang KathNiel, nag-trending

July 18, 2022 People's Tonight 518 views

Todo kilig ang netizens sa halikan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kaya naman nag-trending sa Twitter ang episode ng kanilang 2 Good 2 Be True drama series.

Muling nanguna ang serye sa Top 10 list ng TV series at movies sa Netflix Philippines at sa Top 10 shows ng iWantTFC. Hinihiling nga ng fans na ibagsak na ang bagong episodes dahil nabibitin sila sa kilig gabi-gabi.

Paganda rin nang paganda ang kuwento. Tinutugis na nga ng pulis si Eloy matapos lumabas ang warrant of arrest tungkol sa pagnanakaw niya ng pera kay Tara (Jenny Miller).

Minadali nga ni Helena (Gloria Diaz) ang kaso ng binata nang nalaman niyang nakapasok ito sa buhay ng kuya niyang si Hugo (Ronaldo Valdez).

Nalaman na rin ng viewers na si Helena pala ang dahilan kung bakit nakulong ang ama ni Eloy na si Fred (Romnick Sarmenta). Ngunit palaisipan pa rin sa mga ito kung bakit tila mainit ang dugo niya kay Fred at Eloy.

Sa kabilang banda, tila naguguluhan si Ali sa ginawang pagtakas ni Eloy. Iniisip tuloy niya kung totoo ba ang ipinakita nito sa kanyang kabaitan o pawang kasinungalingan pala.

Nag-trend nga ang #2Good2SayGoodbye at 2G2BT Heartstopper sa Twitter nitong Huwebes ng gabi.

Komento ni @mszfangirl_fhel, “Mixed emotions. Kilig, saya at sakit. Grabe din ung pasabog at ung twists ng palabas na to kudos sa bumubuo! ang galing galing lang talaga. nakakaexcite pa lalo ung mga susunod na episode starting tomorrow.”

Dapat ngang abangan ng manonood kung paano kaya malulusutan ni Eloy ang kaso. Matulungan kaya siya ni Lolo Hugo? Maniwala pa kaya sa kanya si Ali? Magtagumpay kaya si Helena sa pagpapakulong sa binata?

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng 2 Good 2 Be True sa Netflix at iWantTFC.

Maaari rin itong subaybayan mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV at Cinemo. Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE