Leni

Hakot ni Leni ‘naonse’?

April 1, 2022 Lee Ann P. Ducusin 265 views

MULI na namang binalot ng kontrobersiya ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos na magreklamo ang mga “sinubang” hakot sa mga rally sa Cavite at Batangas na diumano’y hindi pa rin binabayaran hanggang ngayon ang ipinangakong P500 kada ulo.

Una ng itinanggi ni VP Robredo na humahakot sila ng mga tao upang dumalo sa kanihang mga rally ngunit biglang lumutang sa social media ang text message ng isang coordinator ng mga “Pinklawan” at sinisingil ang ng diumanong isang grupong pinangalanang “Lawyers For Leni”.

“Ma’am follow up ko lang po yung additional payment sa mga sumama sa Bulacan rally 3,467 pax na hindi pa po nabayaran. Thank you,” saad ng diumano’y coordinator sa isang mensahe sa mga tauhan raw ni Robredo.

“Hello Donna, we need list of names who attended the rally, before we can release the payment. Also next time don’t recruit senior it’s too risky lang dami nahimatay namatanda,” sagot naman ng kausap.

Inutusan din raw ng tao ni VP Robredo ang nagngangalang “Donna” na paalalahanan ang mga diumanong “hakot” mula Cavite at Batangas na tumigil sa pagbibitbit ng watawat ng Pilipinas, bagkus ay magdala lamang sila ng “pink placards at pink balloons.”

Sa dulo ng usapan ay inutusan ng tauhan ni Robredo si “Donna” na “maghakot pa ng marami” at “makipag-ugnayan kay Mona at Karlo para sa kaukulang bayad.”

Bagamat tahasang itinatanggi ng mga grupong sumusuporta kay Robredo ang usapin tungkol sa kanilang “pagbabayad sa mga hakot”, tahasan namang sinabi ni Senador Ping Lacson na isa sa kaniyang mga katunggali ang nagbabayad ng P500 kada ulo para lamang dumalo sa kanilang campaign rally.

Matatandaang si Lacson din ang unang nagbunyag na may mga miyembro ng maka-kaliwang New People’s Army (NPA) ang dumalo umano sa campaign rally ni Robredo sa General Trias, Cavite.

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagkumpirma sa isang televised address ng pagsasabing may “alyansa” ang nakaupong bise presidente at ang NPA ay nagpaplano ring “maghasik ng gulo” raw sa darating na halalan sa Mayo 9.

“Sa sobrang desperadong manalo, lahat talaga gagawin ni Robredo,” komento ng isang netizen ukol sa alegasyon ng mga hakot sa rally.

Isang guro naman ang umangal dahil aniya pati mga batang menor de edad ay ginagamit na rin ni VP Robredo para lamang pumunta sa kanilang rally na kunwari’y isa lamang concert ng mga banda at artista.

Nauna nang nabalita at may ugong ng “hakot crowd for hire” na ginagawa ng kampo ni Robredo bukod pa sa umuupa rin ito ng mga photo editor para dayain sa pamamagitan ng PhotoShop para umanong mapalabas lamang na marami ang pumupunta sa rally nito.

AUTHOR PROFILE