Hajji Alejandro

Hajji nakikipaglaban sa colon cancer

February 28, 2025 Vinia Vivar 453 views

Humihingi ng dasal ang mga kaibigan at fans ng OPM icon na si Hajji Alejandro matapos mapabalitang kasalukuyan siyang nasa hospital at nakikipaglaban sa stage 4 colon cancer.

Ang batikang broadcaster na si Arnold Clavio ang unang nag-post tungkol dito sa kanyang Instagram Story na ngayon ay viral na sa social media.

“Prayers to our Fellow Bedan Haiji Alejandro who is now at ICU at

Medical City Philippines has Stage 4 colon cancer.. Prayers Ascending,” ang post ni ‘Igan.

Kasunod nito ay kanya-kanyang post na ang netizens tungkol dito at dumagsa ang paghahatid ng kanilang pagdarasal para sa OG “Kilabot ng mga Kolehiyala.”

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang kanyang pamilya tungkol dito.

Si Hajji ang nagpasikat ng OPM songs na “Kay Ganda Ng Ating Musika,” “Nakapagtataka,” “Panakip-Butas,” “Tag-Ulan Sa Tag-Araw” at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE