Default Thumbnail

Hairdresser pinatay, isinilid sa sako

August 11, 2021 Gil Aman 411 views

ISANG lalaking hairdresser ang pinaniniwalang pinatay, isinilid sa puting sako at saka itinapon sa madamong bahagi malapit sa ilog sa Sta. Cruz, Laguna.

Ang bangkay ay nadiskubre Martes ng hapon sa Purok 6, Bgy. Sto Angel Norte, Sta Cruz.

Ayon kay P/Col. Chitadel Gaouiran, hepe ng Sta Cruz polic, ang pinaslang na biktima ay kinilalang si Mark Benjamin Villanueva, 34, at residente ng Sta Cruz,Laguna.

Nadiskubre dakong 5:30 p.m. ang bangkay. Bahagi ng paa nito ay nakalabas sa sako habang ang sugatan na katawan ay nakasilid sa loob.

Ayon sa pulisya, isang medical representative at residente ng Bgy. Duhat, ng nasabing bayan ang nakakita sa bangkay ng biktima.

Sinabi ng testigo sa pulisya na patungo ito sa isa nitong kaibigan nang makita ang nakalabas na paa mula sa sako.

Samantala, base sa inisyal na imbestigasyon ng Sta Cruz police, ang biktima ay bangkay unang napaulat na ilang araw ng nawawala.

Empleyado sa isang parlor Sta Cruz ang biktima.

AUTHOR PROFILE