Default Thumbnail

Hahadlang sa clearing ops ng MMDA mananagot

June 28, 2022 Edd Reyes 740 views

NAGBANTA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations and Anti-Colorun Unit chief Edison “Bong” Nebrija na mananagot ang mga hahadlang sa isinasagawa nilang clearing operation na patuloy nilang isasagawa sa Kamaynilan.

“Walang lugar ang anarkiya dito sa Metro Manila, kung gusto ninyo ng anarkiya, humanap kayo ng probinsiya ninyo, kung yan ang gusto ninyo hahabulin namin kayo,” pahayag ni Bong Nebrija kahapon habang patuloy na nagsasagawa ng clearing operation sa kahabaan ng EDSA at Roxas Boulevard sa Pasay City.

Hinimok din niya ang mga kalalakihang sangkot sa pambubugbog sa anim niyang mga tauhan noong Linggo ng hapon na sumuko na at harapin ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Ang anim na tauhan ni Nebriha na sina Ret. Military MSgt, Jose Zabala, Sr., team leader Adrian Nidua, Jericho Fabella, Mario Martin, Jimmy Valencia, at Eddie Boy Garas ay kinuyog at pinagbubugbog ng mga kalalakihan sa kanto ng EDSA at Don Carlos Revilla St. sa Pasay City habang isinasakay sa trak ng MMDA ang mga colorum na e-trike.

Puwersahan din nilang inakyat ang trak ng MMDA at kinuha ang e-trike na nakumpiska matapos isagawa ang pambubugbog.

Ayon kay Nebrija, coincidental lang ang nangyaring insidente ng pambubugbog at hindi ito magiging dahilan upang itigil nila ang operasyon.

Hinawakan na rin aniya ng Criminal Invesgitation and Detection Group (CIDG) ang naturang indisente kaya’t umaasa sila na hindi magtatagal ay madarakip ang mga sangkot matapos silang makapuslit nang puntahan ng mga Pasay police ang kani-kanilang tirahan.

AUTHOR PROFILE