Gusot nina Sharon at Atty. Panelo inayos ni Robin

June 19, 2022 Aster Amoyo 389 views

MUKHANG wala nang problema sa pagitan ng Megastar na si Sharon Cuneta at dating Presidential Spokesperson at kumandidato sa pagka-senador na si Atty. Salvador Panelo dahil kasama ito ng actor-producer at senator-elect na si Robin Padilla na nanood ng “Iconic” concert ni Sharon at Regine Velasquez last Friday, June 17 sa grand ballroom ng Marriott Hotel in Resorts World Manila.

Sina Sharon at Robin ay nagtambal sa 1991 hit movie na “Maging Sino Ka Man” na naging daan ng kanilang pag-iibigan. Nakagawa rin ang dalawa ng ilan pang pelikula including “Pagdating ng Panahon” in 2001 at “Unexpectedly Yours” in 2017.

Kahit nagkahiwalay at hindi nagkatuluyan, nanatili ang pagiging magkaibigan nina Sharon at Robin. Katunayan, nitong recent national and local elections ay in-endorso ng megastar ang kandidatura ni Robin kahit ito’y nasa ibang partido.

Kumandidato rin sa pagka-senador si Atty. Sal Panelo pero hindi pinalad na manalo. In one of his campaign sorties in Quezon City ay ginamit ni Atty. Panelo ang isa sa mga classic hits ni Sharon,

“Sana’y Wala Nang Wakas” na kinompos ng yumaong si Willy Cruz kung saan nag-react ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan na wala umano itong karapatan na gamitin ang nasabing awitin.

Sa pagsipot ni Atty. Sal sa “Iconic” concert nina Sharon at Regine kasama si Robin, wala nang paliwanagan pang nangyari sa pagitan ng dalawa.

Sa palagay namin, sinadya ni Robin na isama si Atty. Panelo sa “Iconic” concert para magkaayos sila ni Sharon.

Si Atty. Panelo ay tatayo umanong legal counsel ni Robin ngayong malapit na itong umupo sa Senado being the number 1 senator-elect in the recent elections.

Samantala, ibinalita ni Sharon sa kanyang Instagram account na gagawa umano sila ni Robin ng bagong pelikula.

Robin1

Robin nanumpa na kasama ang pamilya

NANUMPA na si Robin Padilla sa kanyang bagong tungkulin bilang senador. Ito’y ginanap sa Malacanang Palace with President Rodrigo Duterte administering the oathtaking last Thursday night, June 16.

Kasama ni Robin ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez at dalawang anak na sina Isabella at Gabriela, ina ni Robin na si Eva Carino at iba pang miyembro ng kanyang pamilya.

Si Robin ay isa sa mga strong supporters ni Pres. Duterte na siyang nag-endorso ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Inamin ng actor-turned politician na hindi umano niya inasahan na siya ang mangunguna sa mga nahalal na 12 senador.

Since bagito sa larangan ng pulitika laluna sa senado, maraming batas ang kailangang i-familiarize ng actor.

Naniniwala ang misis ni Robin na si Mariel na kayang-kaya umano ng actor-politician ang bagong challenge na dumating sa kanya at sa kanya mismo nakatutok ang mahigit 26M na botante na nagtiwala sa kanya simula sa kanyang pag-upo sa senado sa darating na June 30, 2022.

Angeline

Angeline at partner pinaghahandaan na ang binyag ng anak

PINAGHAHANDAAN na ng mag-partner na Angeline Quinto at Nonrev Daquina ang nalalapit na binyag ng kanilang unang supling na si Baby Sylvio. Habang lumalapit ang binyag ng bata ay lalo pa umanong nadadagdagan ang mga tatayong ninong at ninang dahil ang iba sa kanila ay sila mismo ang nagpi-prisinta.

Kasama sa godparents sina Luis Manzano, Kim Chiu, Jessy Mendiola at iba pang malalapit na kaibigan ni Angeline na balik na rin sa kanyang showbiz career matapos niyang ipanganak si Baby Sylvio nung April 27.

Si Baby Sylvio ay isinunod niya ang pangalan sa kanyang namayapang adoptive mother na si Sylvia Quinto.

Samantala, kahit may anak na sina Angeline at Nonrev, hindi pa rin napag-uusapan ang pagpapakasal.

Si Nonrev ay may tatlong anak sa dati nitong nakarelasyon.

Diego

Diego inaming nagdi-date na sila ni Franki

INAMIN ng Viva actor na si Diego Loyzaga na nasa dating mode na umano sila ng actress, vlogger at ex-PBB housemate, ang Fil-New Zealander na si Franki Russel na nakilala niya sa set ng game show na “Rolling In It” kung saan sila pareho guest.

Napansin ng binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na may kakaibang accent ni Franki at inakala niya itong Australyana. Si Diego ay laking Australia kaya kabisado niya ang Australian accent ng dalaga. But it turned out that she’s a Kiwi from New Zealand tulad ng controversial actor na si Kit Thompson.

After his break-up with Kapamilya young star na si Barbie Imperial last December, nangako ang actor na matagal umano siyang mananatiling single until he met Franki na nakasama na rin niya sa ilang lakaran (with friends).

Diego is back sa bago nitong pelikula na matutunghayan sa Vivamax, ang movie remake ng 1989 film ni Dina Bonnevie, ang “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili” kung saan ang Viva sexy star na si Ayanna Misola ang pangunahing bituin kasama sina Ava Mendez, Adrian Alandy, Mon Confiado at iba pa na pinamahalaan ng isa sa mga in-house directors ng Viva na si Roman Perez, Jr.

Sa rami ng mga pelikulang ginawa at patuloy na ginagawa ni Diego all shown and streamed on Vivamax app, walang alinlangan na si Diego na nga ang maituturing na Vivamax King.

Loveless Ivana hinihintay ang right guy

NAG-PAY-OFF ang matagal-tagal na paghihintay ng sexy actress at social media superstar na si Ivana Alawi dahil dumating sa wakas ang pinakahihintay na break na magbida sa pamamagitan ng “A Family Affair” kung saan hindi lamang isa kundi apat ang kanyang leading men – sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito.

Isa sa mga hopefuls si Ivana sa Starstruck: Season 6 nung 2015 pero hindi siya pinalad na manalo. But just the same, she was signed up by GMA Artist Center kung saan siya nagkagawa ng ilang supporting roles sa ilang serye bago siya nagdesisyon na makipagsapalaran sa Kapamilya network.

In 2018, naging bahagi siya ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nakasama rin siya sa cast ng “Sino ang May Sala? Mea Culpa” maging sa “Araw Gabi” series but she was only delegated sa support roles.

Taong 2019 nang mag-desisyon si Ivana na pasukin ang pagba-vlog at dito siya sinuwerte nang husto with 15.5M subscribers and earning for her millions every month. Ito’y on top pa sa kanyang pagiging heredera ng kanyang yumaong Moroccan father.

At 25, Ivana is loveless pero naniniwala siya na darating din sa kanyang buhay ang right guy.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE