Gujil

Guji, nag-react sa pagkawala ng frequency ng ABS-CBN

January 27, 2022 Ian F. Fariñas 102 views

HINDI nababahala ang nakilalang Star Magic artist na si Guji Lorenzana sa desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na ibigay ang frequency na dating naka-assign sa ABS-CBN sa iba’t ibang kumpanya matapos ma-deny ang prangkisa ng Lopez-owned network dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa solo digital presscon kahapon ng single niyang This Bea Will Save You, sinabi ni Guji na mas excited siya dahil dumami ang opportunity ng artists na gaya niya maging sa digital world.

Sa ngayon, marami-raming pinagkakaabalahan ang aktor dahil hindi lamang siya sumabak sa pagkanta kundi maging sa pagiging online content creator.

Ito ay sa gitna ng pangyayaring tinamaan din siya at ang pamilya niya ng Covid-19.

“Yeah, that was a worrying time for us. But me and Cheska (his wife) worried more for our kids Cassidy (two) and Brielle (11 months),” kwento ni Guji. “We isolated and just did everything to stay healthy.”

Imbes na magpaapekto, ginawa raw niyang productive ang quarantine period.

“Staying in isolation for a month meant that I had time to do the things that interests me. And that’s doing (music) covers, vlogs and just being a creator.”

Taong 2018 pa raw niya natapos ang This Beat Will Save You at na-release lang nang masali sa YouTube creator camp na NextUp Philippines.

Isa si Guji sa 12 big winners sa competition kung saan nag-uwi siya ng P100,000 worth of equipment.

Ang music video nito, na tinapos niya habang nagpapagaling sa coronavirus, ay mapapanood na sa YouTube next weekend.

Maliban sa online content, pursigido rin si Guji na ituloy ang acting career sa Viva at Vivamax. Isang international movie rin ang nakatakda niyang simulan soon.

AUTHOR PROFILE