Luis

GSM at Luis nag-collab sa pinakaunang online mixology series

August 14, 2021 Eugene E. Asis 253 views

ISANG masaya at naiibang collab sa YouTube ang inilunsad kamakailan ng Ginebra San Miguel at ng Kapamilya actor at host na si Luis Manzano. Ang G-Mix Nation, ang pinakaunang online mixology series ng Ginebra San Miguel ay naglalayong magturo sa mga manonood ng bartending o paggawa ng cocktails o mixed drinks kahit sa kanilang mga tahanan at para mas lalong maiangat ang pagtingin sa art ng cocktail mixing.

Hindi na bago kay Luis ang bartending dahil siya ay nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management sa College of St. Benilde. “There’s something magical about being a bartender. When you’re out with friends and someone’s mixing a drink, you can’t help but look. Ibinalik ako ng G-Mix Nation sa mga panahon ng bartending class ko noong ako ay estudyante sa kolehiyo,” dagdag ni Manzano.

Nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic noong isang taon, maraming mga Pilipino ang nag-umpisa ng mga bagong libangan tulad ng pagluluto, baking, at pagiging plantito at plantita. Para kay Luis, ang cocktail mixing ang isa pang libangan na pwedeng gawin ng mga Pinoy lalo na ang gin ang kanilang paboritong inumin.

Kasama ni Luis sa G-Mix Nation online mixology series sa YouTube ang ilan sa mga sikat na online influencers pati na rin ang ilan sa mga sikat na celebrities tulad ng aktres at GSM Blue brand ambassador Sue Ramirez at dating Barangay Ginebra San Miguel player Jayjay Helterbrand.

Ngayong nauuso ang “home bar” lalo na at limitado pa rin ang dine-in, naglabas din ang Ginebra San Miguel ng G-Mix Nation Home Bar Kit, ang ultimate survival e-numan kit na may kasamang cocktail shaker, stirrer, jigger, cocktail recipes, at tig-iisang bote ng Kuwatro Kantos, GSM Blue Light Gin at GSM Premium Gin. Ang G-Mix Nation Home Bar Kit ay mabibili sa mga piling supermarkets nationwide at sa online store na LazMart.

I-like at mag-subscribe sa G-Mix Nation YouTube channel para mapanood ang pinakabagong episodes tuwing Biyernes.

AUTHOR PROFILE