Default Thumbnail

Grupo nasa radar ng intel community

August 4, 2022 People's Tonight 290 views

On the BEATMAY isang grupong nasa radar umano ngayon ng intel community.

Ang grupo ang pinaniniwalaang nasa likod ng kaliwa’t kanang banat kay Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez — na kilala rin bilang ES at itinuturing na ‘Little President‘ ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ang black propaganda laban kay ES Vic ay pasimuno umano ng grupo na ang pinagkaabalahan daw nung kampanya ay magsolicit ng milyones para sa kandidatura ng noon ay alam ng sambayanang sure winner na para sa Palasyo — si then ex-senator at ngayon nga ay President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

‘Power broker’ daw ang peg ng grupong ito.

Ipinagyayabang daw ng grupo na rekta sila kay PBBM kaya lahat ng mga negosyanteng gustong tumulong sa UniTeam ay dapat magpugay sa kanila.

Isang nag-donate umano ay negosyanteng nagbigay ng P150 million. Kaya naman daw naengganyo ito ay dahil pinangakuan umano siya ng tumataginting na projects kapag nasa Malakanyang na si PBBM.

Inaalam ngayon ng ‘intel community’ kung saan napunta ang nasabing donasyon.

Ayon sa source, ang mga inirerekomenda ng grupo para maluklok sa magagandang pwesto ay puro may mga dati nang kaso sa pamahalaan.

Sinabi ng source na marami sa mga ipinapasok sa gobyerno ng nasabing grupo ay ‘binaril’ na ng sikat na vlogger na si Thinking Pinoy dahil sa mga ‘fictitious character’ ng mga ito.

Si Thinking Pinoy na RJ Nieto ang tunay na pangalan, ay miyembro ng ‘screening committee’ ng BBM Headquarters.

Dahil sa napapahiya na ngayon, naglunsad umano ang kontrobersiyal na grupo ng malawagang ‘disinformation campaign’ laban kay ES Vic.

Ang grupo ay maugong umano sa intel community dahil sangkot din umano ito sa sindikato ng ipinagbabawal.

AUTHOR PROFILE