Armaine

Grupo ni Arjo, pinayagang bumalik sa Baguio

August 21, 2021 Vinia Vivar 105 views

Nagkausap na sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Ellen Criste, head ng produksyon ni Arjo Atayde na Feelmaking Productions.

Ito ay hinggil sa sinasabing paglabag ng grupo ng aktor sa health protocol na ipinatutupad ng gobyerno nang mag-shooting sa naturang lungsod.

Sa pamamagitan ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino-Seguerra ay nagkaroon ng dayalogo sa magkabilang kampo.

Si Chair Liza ang nangangasiwa sa mga polisiya tungkol sa safety protocol concerning sa movie at audiovisual industry.

Sa nasabing pag-uusap ay nalinaw na walang nilabag ang Feelmaking Productions, partikular si Arjo, na naunang bumaba ng Maynila para dumiretso sa ospital dahil nagpositibo siya sa COVID-19.

Ito rin ang paliwanag ng attending physician ni Arjo na si Dra. Claudette Guzman Mangahas na walang nilabag ang pasyente niya taliwas sa lumabas na panayam ni Mayor Magalong sa Regional News Group-Luzon nitong Pebrero 17.

Sa panayam kay Dra. Claudette, aniya, “In the same way that emergency care personnel in an ambulance would accompany a Covid patient in PPE (personal protective equipment), I was also very clear with my instructions — and which they carefully followed — to have Arjo in the back of the car alone, his companions in front of the car, with all of them wearing masks with no removal and all the windows open, driving strictly from Baguio straight to our hospital.”

Bukod dito ay kinonsidera rin niya, of course, ang pamilya ni Arjo partikular na ang magulang na sina Sylvia Sanchez and Arjo Atayde.

“It is impossible for any doctor of any COVID patient to go ahead with decisions without considering the family because this really imposes a traumatic situation on everyone.

“On a personal note, Sylvia and Art Atayde both had COVID last March 2020, and Sylvia even suffered from complications of the medications.

“COVID was a real scare for them, especially with the thought of leaving behind four children with their youngest only at 10 years old at that time if one of them didn’t survive the virus.”

Nakaramdam ng mga sintomas si Arjo tulad ng lagnat, pananakit ng katawan at pangangapos ng hininga kaya naman talagang nag-alala nang husto ang kanyang mga magulang.

“I talked to Sylvia and told her she had two options: The first was a work up and possible admission at a Baguio hospital or a transfer to Manila for work up and possible admission, with the provisions I indicated earlier.

“She chose the second one because of his preexisting conditions of chronic sinusitis and asthma and her fear that should Arjo become critical, he is so far away and she wouldn’t personally know the physician who will treat him.

“Please understand that (Sylvia) only acted as a mother in her decision. Having suffered from COVID themselves, they are the last persons who would wish that others will go through the same experience. So clearly, there was no intention to breach any protocol, and more so expose others to COVID,” pahayag pa ni Dra. Mangahas.

Matapos magkalinawagan ang magkabilang panig, naayos na ang anumang hindi pagkakaintindihan at pumayag na si Mayor Magalong na makakabalik ang grupo sa Baguio City para tapusin ang ilang araw nilang shooting as long as negatibo na silang lahat at magaling na si Arjo.

AUTHOR PROFILE