BBM-Sara

Gringo kasama sa Uniteam Senate slate

February 4, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 414 views

BBM, Sara pambato ng Reform Party

SI Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gringo Honasan ang pang-11 sa senatorial ticket ng UniTeam.

“We are pleased that he is now part of our senatorial slate. We believe that Sen. Gringo will accomplish a lot in the Senate, coming up with laws that will help ensure better lives for our countrymen,” ani Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Si Honasan ay nagtapos sa Philippine Military Academy (Class of 1971), at may makulay na ‘military career’ bago pumasok sa pulitika taong 1995.

Naging senador ito mula taong 1995 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2019.

Bilang mambabatas, siya ang may akda at co-author ng Clean Air Act of 1999, Clean Water Act, the National Security Policy, Disaster Risk Reduction Management Act of 2009, the Solid Waste Management Act of 2000, Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms Law (CARPER) at marami pang iba.

Humawak din ng mahahalagang komite si Honasan sa Mataas na Kapulungan bilang chairman ng Committee on National Defense and Security, at ng Peace, Unification, and Reconciliation.

Itinalaga si Honasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology noong taong 2019.

“With our senatorial slate in the Senate, we will achieve our vision of steering the country towards greatness. We have the common vision of making every Filipino proud of our race. Gusto naming ang Pilipino ay taas noo kahit kanino,” ani Marcos.

Samantala, ang Reform Party ni Honasan ay nagdeklara na rin ng kanilang suporta para sa kandidatura ni Marcos at running-mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa resolusyon ng Reform Party noong Enero 21, 2022 at inilabas sa publiko nitong Biyernes, Pebrero 4, 2022, ipinakita ng mga opisyal ng partido ang kanilang mga lagda bilang deklarasyon ng suporta sa BBM-Sara UniTeam.

Nanguna sa pirmahang ito ang kanilang party president na si James A. Layug at iba pang opisyal.

“Whereas, in line with the Reform Party’s vision to build a strong Filipino Nation, that guarantees liberty, equality and prosperity for all … It shall establish alliances with other political organizations that can serve as key partners in the pursuit of meaningful social, political, and economic reforms in the country for the benefit of Filipino people,” anang resolusyon.

“Resolved as it is hereby resolved to ADOPT the BBM- Sara UniTeam with Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos as official Reform Party candidate for President and Mayor Sara Duterte as the Reform Party candidate for Vice President,” nakasaad sa resolusyon.

Sinabi ni Layug at iba pang Reform Party officials na nagdesiyon silang suportahan ang BBM-Sara UniTeam dahil iisa ang adhikain ng mga ito at kanilang partido.

Kumbinsido rin umano sila na ang dalawang nangungunang kandidato ang higit na may kapabilidad upang pamunuan at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng Duterte administration tulad ng Build, Build, Build; ang pagpapalakas sa digital infrastructure, kampanya kontra korapsyon, giyera laban sa ipinagbabawal na gamot at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE