
Green minded
NAGPAKILIG at nagpainit ng social media ang sexy star na si Neslyn Yauco sa kanyang bagong post kung saan suot niya ang isang matcha green bikini sa isang tropical-themed resort.
Sa kanyang caption na “How you doing?”, tila nanukso si Neslyn at muling pinatunayan ang kanyang walang kupas na alindog.
Sa larawan, kitang-kita ang perpektong curves ni Neslyn na para bang hinulma para sa tropikal na paraiso. Ang matcha green bikini ay bumagay sa kanyang makinis na balat, habang ang backdrop na puno ng lush greenery at exotic vibes ay naging perpektong setting para ipakita ang kanyang jaw-dropping physique.
Bumaha ng mga komento ang post ni Neslyn mula sa kanyang mga fans at netizens. Inulan naman ng heart at fire emojis ang comment section ng naturang post.