Grand Mason

Grand Mason namahagi ng sako-sakong bigas sa Binondo

December 20, 2021 Francis Naguit 378 views

NAMAHAGI ng sako-sakong bigas ang Phil Tiok Lim Grand Mason sa pamumuno ni President Shi Chunxian, VP Benson Hari-Ong, Anson Chua, Alfonso Tiu, Joseph Chua, Ferdinand Tan, Pedro Chan, Bhoy Co, Hoksing Ang, Tianjin Edison Ong, Jefferson Lao, Darius Ong at Jaime Ching.

Umabot sa mahigit 2,000 tig-limang kilo ng bigas ang pinamahagi ng grupo sa may mahigit sampung barangay sa Binondo, Maynila bilang pamasko sa mga Batang Manilenyo.

Layunin ng grupo na magkaroon ng handa sa hapag%kainan ang mga taga-lungsod ng Maynila.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga Manilenyo sa grupo, dahil meron na silang panghanda sa darating na Noche Buena. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE