Vilma

Grand launch sa Solaire ng pelikula ni Vilma para sa MMFF pinaka-grandioso

November 21, 2024 Aster Amoyo 238 views

Vilma1PicPINAKA-GRANDIOSO na sigurong maituturing ang movie grand launch ng 50th Metro Manila Film Festival entry, ang horror-thriller-drama movie na “Uninvited” ng Mentorque Productions and Project 8 Projects na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre kasama sina Tirso Cruz III, Lotlot de Leon, Mylene Dizon, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, Elijah Canlas, Ron Angeles at RK Bagatsing na pinamahalaan ng director-producer na si Dan Villegas. Ito’y ginanap sa tatlong ballrooms ng Solaire Resort North in Quezon City nung nakaraang Miyerkules ng gabi, November 20, 2024 na sa estimate namin ay milyones ang ginasta.

Pagpasok pa lamang sa lobby ng 5th floor ay napaka-impressive na ng dating ng sets and decors, leading to the cocktails area bago pumasok sa pinagsama-samang tatlong ballrooms.

At the cocktails, drinks, wines and pastries were served with matching musical entertainment bago pumasok sa grand ballroom for a sit-down sumptuous dinner at kung saan napakaganda rin ng arrangement ng stage with matching wall-mounted LED wide screens. The grand event was hosted by Robi Domingo and KaladKaren (Jervi Wrightson). Kahit ang dalawang hosts ay sobrang na-impress sa kakaibang media grand launch ng pelikulang “Uninvited” na inaasahang isa sa mangunguna (kung hindi man una) sa takilya among the ten official entries ng Golden Year ng Metro Manila Film Festival.

With `The Great Gatsby’ theme, marami sa mga bisita maging ang entertainment media and vloggers ang dumating in their respective beautiful attires with Manila Times Lifestyle & Entertainment Editor Tessa Mauricio-Arriola chosen as Best Dressed at runners-up naman sina Pauline D. Jimenez ng Bandera, Gie Trillana ng Malaya Business Insight, Daisy Liezel ng Talk Posh PH at Pilar Mateo ng Hataw D’yaryo ng Bayan.

It was an evening to remember!

Samantala, ang Mentorque Productions ang siya ring nag-produce ng 2023 Metro Manila Film Festival award-winning movie na “Mallari” na pinagbidahan ni Piolo Pascual at pinamahalaan ni Derick Cabrido mula sa panulat ni Enrico Santos. Tampok din sa nasabing pelikula sina Janella Salvador, Elisse Joson, JC Santos, Gloria Diaz at Mylene Dizon among others.

Ang pelikulang “Uninvited” ay second movie ng Mentorque Productions sa MMFF and first collaboration with couple Dan Villegas and Antoinette Jadaone ng Project 8 Projects. Ang nasabing pelikula ay magsisilbi ring reunion project nina Vilma Santos at Aga Muhlach after 30 years. Ang dalawa ay unang nagsama sa pelikulang “Sinungaling Mong Puso” nung 1992 kung saan din tampok sina Gabby Concepcion and Alice Dixson at pinamahalaan ng yumaong director na si Maryo J. de Los Reyes. Two years later in 1994 ay muling nagtambalan ang dalawa sa pelikulang “Nag-iisang Bituin” na pinamahalaan ng writer-director na si Jose Javier Reyes.

Excited ang mga award-winning actors na sina Vi, Aga at Nadine Lustre sa kanilang MMFF movie dahil sobra umano silang na-challenge sa kanilang respective roles dahil lahat sila’y lumabas sa kanilang comfort zones, which they all wanted and embraced.

First time namang makatrabaho nina Vi at Aga si Nadine at na-excite silang makatrabaho ang award-winning Viva star. It was such an honor also on the part of Nadine na makatrabaho ang dalawa niyang hinahangaang actors sina Vi at Aga.

Two years ago (2022) ay nanguna sa Metro Manila Film Festival box office ang “Deleter” movie ni Nadine (under Viva Films) na isa ring horror movie na pinamahalaan ng young talented director na si Mikhail Red.

BINI gusto munang magpahinga

BINIBINI1HINDI maikakaila na ang tinaguriang Nation’s Girl Group na BINI ay siyang pinakasikat na P-Pop girl group sa Pilipinas.

Binubuo ng walong all girls members na sina Jhoanna (leader of the group), Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha at Sheena, ang BINI ay nakapagtala ng maraming firsts in their three-year career bilang hottest P-Pop girl group.

The group just concluded their very first sold-out major three-night concerts at the Big Dome (Araneta Coliseum) nung nakaraang November 16, 17 & 19, 2024. Sa taon ding ito nangyari ang kanilang sold-outsolo concert at the New Frontier Theater which was originally set for only one night nung June 28 pero naging tatlong gabi rin ito tulad ng Araneta Coliseum. Nadagdag ang June 29 & 30, 2024 na agad ding na-sold-out ang tickets.

Two nights lang din dapat ang kanilang Araneta Coliseum concert pero muli ito nadagdagan ng isa pang gabi, November 18 (which was moved to November 19 dahil sa typhoon Pepito) pero agad ding naubos ang tickets.

In a span of three years and several hits and albums, nasundan din ito ng kanilang sunud-sunod na parangal hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa maging ang pagdating ng kanilang kabi-kabilang product endorsements.

On their final concert sa Araneta Coliseum ay in-announce ng BINI na magkakaroon sila ng post Valentine Concert on February 15, 2025 pero hindi pa nila ipinaalam kung saan ang venue. Early next year, they will also launch their new single na pinamagatang “Blink Twice” which they will definitely sing and perform sa kanilang February 15, 2025 major concert.

Naging special guest performers ng BINI sa kanilang 3-night Araneta concerts sina Vice Ganda, Gary Valenciano, Regine Velasquez at Maymay Entrata.

Dahil sa ipinakitang lakas ng BINI on their three-night concert sa Araneta Coliseum, mukhang kakayanin din nilang mapuno ang 50 thousand-seater na Philippine Arena.

Kasama naman ang BINI sa “OgieOkie2” concert ng OPM icon, ang singer, songwriter, actor-comedian, TV host and concert producer na si Ogie Alcasid na gaganapin sa Newport Performing Arts theater sa Newport World Resorts on November 30, 2024 at 8 p.m.

In the meantime, gusto muna ng BINI na magpahinga sandali and spend more time with their respective families na hindi na nila nagagawa dahil sa kabi-kabila nilang mga commitments.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE