Granada natagpuan sa Port Area

July 18, 2021 Francis Naguit 200 views

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang natagpuang granada sa Port Area, Lungsod ng Maynila.

Sa ulat ng MPD- EOD, alas-9:30 ng umaga ng matagpuan ng isang may-ari ng kariton ang granada sa kanto ng Railroad at 25th Street.

Inireport ang nasabing granada kung saan tanggal na ang safety pin nito.

Agad naman rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal Unit ng MPD at ng Philippine Coast Guard (PCG) para kontrolin at ikordon ang lugar at napagdesisyunan na pasasabugin ang granada dahil hindi na maaaring ibalik pa ang safety pin nito.

Ang nasabing granada ay nakita at natagpuan sa tapat lamang ng opisina ng malaking dyaryo kung saan inaalam na kung sino ang responsable sa pag-iwan o paghagis nito.

With JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE