Grae game makasama ang amang si Mark Anthony sa isang kundisyon
AYON sa Kapamilya actor at isa sa lead stars ng ABS-CBN series na “Pamilya Sagrado” na si Grae Fernandez, game daw siyang makasama sa isang project ang kanyang amang si Mark Anthony Fernandez.
Pero, mayroon lamang siyang kundisyon: “Dapat bagay po sa kanya ‘yung karakter, at bagay rin po sa akin. I think the chemistry, of course obviously will be there. I think it really needs to have the depth of a storyline. Kung ano pong ipapakita namin sa audience,” sabi ng young actor.
Patuloy pa niya: “Hindi lang po, because it’s Mark Anthony and because it’s Grae, na kaya tayo gagawa ng project. What’s the project first, then cast us as actors.
“So that’s my perspective on that. Pero again, I’m very open to that idea,” paniguro pa ni Grae.
Mga isang buwan na ang nakararaan ay nakausap din namin si Mark sa isang Vivamax mediacon at bukas din siya sa ideyang pagsamahin silang mag-ama sa isang project, pelikula man o TV series.
Nasabi rin ni Mark na pinanonood niya ang anak, lalo na sa “Pamilya Sagrado” kung saan pinupuri ang kanyang akting.
Natutuwa naman si Grae.
“Yeah, ever since (I started with) my career, he has let me do my own thing. Pero he told me na ito yung pinakanaririnig niya from other people na parang, ‘Oh wow! Ang galing ni Grae du’n!’
“Parang, ‘Oh, wow! Ang ganda nu’ng show.’ So he checked it out, and he’s really proud of me in this one. So I’m very happy for that,” aniya pa.
May mga advice ba si Mark Anthony na talagang tumatak at nagmarka sa kanya nang pasukin na rin niya ang showbiz?
“That in this industry, you have to really be fearless,” ayon kay Grae. “Kailangan mo talaga ipaglaban ‘yung sino ka at anong paniniwala mo, what you believe in.
“And just to be, if you’re really entering, when I was starting this career, ‘parang kung gusto mo talaga ito, you have to give it your all talaga. You can’t just be not serious about it.’
“And again, nu’ng baguhan pa ako, medyo bata pa rin po ako, I didn’t know what I wanted or what my interests were. Nung that stage po, medyo petiks petiks pa rin po ako here and there.
“But now talaga, again, I just want to be the best actor I can and just work as hard as I can. Ngayon na mas nakakatanda na po ako,” sabi pa ni Grae.
Samantala, nabanggit ng young actor na mawawala siya pansamantala sa Pilipinas dahil lilipad daw siya muli patungong Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa isang acting school doon.
Well, what can we say? Looks like Grae is damn serious about his career.