Grade 11 na kelot tiklo sa gahasa ng dalagita, 15
INARESTO ng pulisya ang isang 19-anyos na Grade 11 student matapos ireklamo ng panggagahasa ng 15-anyos na umano’y girlfriend nito sa Quezon City.
Sa report ng Anonas Police Station (PS 9) ng Quezon City Police District (QCPD), inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa isang fast food restaurant sa Caloocan habang kumakain doon.
Base sa imbestigasyon ng PS 9, ang dalawang panggagahasa ng suspek sa biktima ay nangyari noong Pebrero ng taong kasalukuyan.
Pero ayon sa suspek hindi niya umano pinilit ang kaniyang girlfriend na makipagtalik at kaya lamang siya kinasuhan ay dahil ayaw umano sa kaniya ng mga magulang nito.
Nakapiit na ang binatilyo sa PS 9 habang inihahanda ang kasong two counts ng statutory rape laban sa kaniya.