Grad estudyante ng UDM, PLM tumanggqp ng cash gift
TINANGGAP na ng mga estudyante sa Universidad De Manila (UDM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na pawang nagtapos ngayong School Year (SY) 2023-2024 ang kanilang P2,000 Taas-Noo Manileño Graduation Gift mula sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na mahigit sa 1,800 na nagtapos sa UDM ang tumanggap ng kanilang cash gift nang simulan ang pamamahagi nitong Biyernes habang natanggap na rin ng 3,772 na estudyante sa PLM ang kanilang P2,000 cash gift sa pamamagitan naman ng Landbank.
Umabot aniya sa mahigit P11.1 million ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga nagtapos na estudyante ng SY 2023-2024.
Noong nakaraang buwan ng Agosto, nilagdaan ni Mayor Lacuna ang Ordinance No. 9068 na nagbibigay pahintulot na maglaan pondo at ipamahagi sa mga nagtapos para sa programang Taas-Noo Manileño Graduation Gift.
Bukod sa pamamahagi ng cash gift, ini-anunsiyo rin ng alkalde na kasalukuyang ng itinatayo ang UDM college campus sa Vitas, Tondo na inaasahan nilang matatapos at mabubuksan sa taong 2026. “This campus will serve UDM students coming from all districts of Manila, not just those who reside in Tondo,” sabi pa ng alkalde.
“As Mayor and Chairperson of the Board of UDM and of the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, I also take this opportunity to congratulate the most recent UDM and PLM passers and topnotchers of the licensure examinations” pahayag pa niya.
“Particularly noteworthy are the PLM results in the Physical Therapy Licensure Examinations wherein our city university earned a 99.44% passing rate, with 179 passers, and 4 topnotchers in the Top 10,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga napabilang sa Top 10 sina Jamie Clarise Confesor Mutuc (3rd), Jericho John Balanay Desbille (5th), Princess Mae de la Rosa Llubit (6th), at Neiman Klyre Calaquian Importante (9th).
“As a doctor, I proudly note that the PLM College of Medicine had a passing rate of 95.16% and because of this it is among the Top 4 performing schools in the Physicians Licensure Examination last October 2024,” pahayag ng alkalde.
Ang PLM ay nakapagpatapos din ng apat na topnotchers noong Agosto Psychometricians Licensure Examination.