Default Thumbnail

Gov’t offices sa Manila, Pasay sarado sa Jan. 13 dahil sa INC rally

January 10, 2025 Chona Yu 76 views

SUSPENDIDO ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa Manila at Pasay sa Nobyembre 13 bilang pagpupugay sa peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino grandstand.

Base sa Memorandum Circular 76 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Enero 10, wala ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pribado at publiko, sa Manila at Pasay.

Ipinauubaya ng Malakanyang sa pribadong kompanya ang pagpapasya kung magsususpinde ng trabaho.

Ikakasa ng INC ang “Pambansang Rally para sa Kapayapaan” sa Quirino grandstand sa Manila.

AUTHOR PROFILE