Gov’t hiniling payagan prov’l buses bumiyahe sa EDSA

April 6, 2022 Jun I. Legaspi 129 views

MARIING nanawagan ang transport at commuter groups sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan silang makabiyahe sa EDSA at ibang lugar sa Metro Manila sa Holy Week.

Sa ngayon 10 p.m. hanggang 5 a.m. lamang pinapayagan bumiyahe ang mga provincial buses sa EDSA at makarating sa kanilang mga terminals.

Ayon pa sa existing policy ng board, yung mga PUB operators na may valid permits or ang pinapayagan at may access ang maka diretso sa kanilang mga end-point terminal sa loob at labas ng Metro Manila.

Sa interview sinabi ni Engineer Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), na napakalaking tulong kapwa sa mga operators at pasahero kung payagan makabiyahe at makadirestro sa mga terminals sa EDSA sa buong araw.

“Malaking tulong ito lalo na sa mga senior citizens, person with disability may mga karamdaman at mga buntis na pasahero dahil wala ng pasalin salin ng sasakyan, isang baba na lang,” saad ni Yague.

Paliwanag pa ni Yague, kapag kulang ang masasakyan ang ay magpipista ang mga colorum at hindi maganda yun, dahil walang safety at proteksyon ang mga pasahero dun.

Isa pa malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga colorum na itaas o doblehin ang pamasahe. Dahil walang regulation, ang colorum driver lang ang nagtatakda kung magkanong pamasahe ang gusto nila, at posibleng makompromiso din ang healht protocols.

Ngayon pa lang anya ay fully booked na ang lahat ng mga provincial buses.

“Eh ang pasahero basta makauwi lang. Hindi nyan alam kung colorum yung sasakyan nila o hindi basta ang isip nyan makauwi sa bayan nila,” saad ni Yague.

Nanawagan din si Yague sa mga pasahero na kung hindi sila makakuha ng booking huwag na silang magbakasakali dahil tiyak wala silang masasakyan.

Sa experience ng grupo nagdodoble ng tatlo o apat na beses ang pasahe at kung minsan higit pa ang dami ng pasahero.

AUTHOR PROFILE