Janet

Goodbye, Janet Bordon

September 24, 2021 Aster Amoyo 152 views

PUMANAW na ang San Francisco, California, USA-based actress na si Janet Bordon nung Miyerkules, September 22 at 10L07 p.m., Thursday, September 23 nang umaga sa edad na 61. Si Janet ay 31 taong nakipaglaban sa kanser at kasama na rito ang siyam na major operations at iba’t iba pang treatment procedures.

Janet was very young when she was launched by Jessie Ejercito’s Crown Seven Productions sa pelikulang “Ako si Emma, Babae” kung saan din tampok ang yumaong actor na si George Estregan, Allan Valenzuela and the late action star Rudy Fernandez na pinamahalaan ni Augusto Buenaventura. Ang nasabing pelikula ay ipinalabas nung June 1977. Two years later, she was re-launched ng Agrix Films sa pelikulang “Biyak na Manika” nung 1979. Tampok din sa nasabing pelikula sina Gloria Romero, Alicia Alonzo, Brenda del Rio at Chona Castillo. On the same year ay napasama rin siya sa pelikulang “Star” na dinirek ni George Rowe at pinagsamahan nila nina Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Celia Rodriguez, Veronica Jones, Pepito Rodriguez at si Vic Silayan.

Isa rin si Janet sa mga bida ng pelikulang “Apat na Maria” na pinagsamahan nila nina Charo Santos, Julie Ann Fortich at Lorna Tolentino. Ito’y dinirek ni Maryo J. de los Reyes. Kasama rin siya sa launching movie ni Dina Bonnevie sa bakuran ng Regal Films, ang “Katorse” but it was in 1983 umalagwa nang husto ang kasikatan ni Janet nang gawin niya ang pelikulang “Virgin People” na dinirek ni Celso Ad Castillo. Dito ay naka-bituin niya sina Myrna Castillo at Pepsi Paloma with Ernie Garcia.

Nung panahong aktibo pa si Janet sa showbiz ay naging paborito siyang leading lady ng mga action and comedy stars tulad nina Ramon Revilla, Sr., Ramon `Bong’ Revilla, Jr., Rudy Fernandez, Ace Vergel, Rhene Imperial, Jess Lapid, Jr., Anthony Alonzo, Phillip Salvador, Eddie Fernandez, Dante Varona, Chiquito, Ramon Zamora, Redford White at iba pa.

Ang iba pang pelikulang ginawa ni Janet include “Katorse,” “Moises Platon” with Bong Revilla, Jr., “Rocky Tulog” with Chiquito, “Batang Pasay” with Ace Vergel, “Tatlong Hari” with Bembol Roco, Phillip Salvador and Robin Aristorenas, “Hanapin si Jack Romano” with Anthony Alonzo, “Boy Ulo ng Tondo” with Boy Ulo, “Labas sa Batas” with Ramon Revilla, Sr., “Totoy Saudi” with Bhoy Fernandez, “Sabayan” with Jun Aristorenas and Dante Varona, “Ninong” with Rhene Imperial, “Johnny Tango Rides Again” with Redford White, “MPD Manhunt Parulan” with Eddie Fernandez, “Yakuza” with Rudy Fernandez,” “Porontoy” with Ramon Zamora, “Diegong Bayong” with Anthony Alonzo, “Mga Paru-Parong Buking” with Eddie Gutierrez, Eddie Garcia and George Estregan” at iba pa.

It was in late 80’s nang talikuran ni Janet ang kanyang showbiz career to join her family sa Amerika.

Si Janet ay may kaisa-isang anak na si babae na isang abogado na si Atty. Jay Bordon. She outlived her 89-year-old mother. Ang dating aktres ay may limang kapatid.

TitoSenAng dahilan ni Sen. Tito para tumakbong bise presidente

ISANG virtual “Kumustahan with Tito Sotto” ang naganap last Thursday morning kung saan ay nakipagkumustahan ang veteran singer, songwriter, musician, host, actor-comedian-turned politician na si Senate President Vicente `Tito’ Castelo Sotto III sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media. Nagkataon naman na nasa kanyang tanggapan siya kaya hindi naka-join ang kanyang wife of 52 years, ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa.

Ang mag-asawang Tito at Helen ay unang nagpakasal on September 21, 1969 sa Sto. Tomas, Batangas matapos silang magtanan na sinundan ng church wedding nung January 2, 1971. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng apat na anak na sina Lala, Apple, Gian at Ciara at meron na silang 11 grandchildren – dalawa kay Lala, dalawa kay Apple, anim kay Gian at isa kay Ciara na matagal nang hiwalay sa kanyang dating mister na si Jojo Oconer.

Dalawa sa mga anak ni Tito Sen (palayaw ng marami kay Sen. Tito Sotto) ay pumasok na rin sa public service, ang kanilang panganay na si Lala na konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City at si Gian, vice-mayor ng Quezon City na una niyang hawak in 1988 nang siya’y mag-desisyon na pasukin na rin ang larangan ng pulitika.

TVJSa original na samahan ng Tito, Vic & Joey (with his younger brother na si Vic Sotto and good friend Joey de Leon) na nabuo in 1972, tanging si Tito Sen lamang sa tatlo ang pumasok sa pulitika.

Tito, Vic & Joey will be celebrating their golden anniversary next month kaya malamang daw na magkaroon sila ng celebration sa pamamagitan ng isang TV special. Nabuo ang samahan ng tatlong sa dating comedy show na “Okey Lang” na sinundan ng “Iskul Bukol” sa dating IBC-13. Iisa umano ang kanilang hilig noon, musika hanggang sa subukan nilang tatlo ang pelikula as Tito, Vic & Joey. Naging bahagi rin sila ng “Discorama” at “Student Canteen” bago sila napunta sa lunch time show na “Eat Bulaga” na silang tatlo ang ginawang main hosts. Last July 30, the program celebrated its 42nd anniversary at nabuo muli silang tatlo nina Vic at Joey.

Ayon kay Tito Sen, mahirap na umanong buwagin ang pagkakaibigan nila laluna with Joey na kapamilya na rin ang kanilang turingan.

“Nang pasukin ko ang public service in 1988 (as vice mayor of Quezon City), sobra ang suporta na ibinigay sa akin hindi lamang ni Tony (Tuviera) kundi laluna na sina Vic at Joey,” pahayag ni Tito Sen.

“Kumandidato ako ng Senado hanggang ngayon, walang nabago sa kanilang suporta sa akin,” pagmamalaki pa niya.

“Napunta man ako sa pulitika, walang nabago sa aming samahan,” aniya.

Tito considers Joey a genius. “Siya ang tunay na Pinoy henyo,” patuloy niya.

Hindi man sila madalas nagkakasama ngayon, nagkakatawagan pa rin sila at nagkakamustahan.

When not busy sa kanyang political activities, Tito Sen stays home with wife Helen at kapag weekend naman ay naglalaro umano siya ng golf.

Tito Sen had recently declared his candidacy na siya’y tatakbo sa pagka-Vice-President at siya bale ang running mate ng Presidentiable na si Sen. Ping Lacson. Ayon sa kanya, wala umano ito sa kanilang plano ni Sen. Ping, pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa ay nag-desisyon silang mag-tandem sa darating na halalan.

“Iisa kasi ang aming goal, ang matulungan ang ating bansa sa rami ng kinakaharap nitong krisis ngayon including the global pandemic,” pahayag pa niya.

Hindi nababahala si Tito Sen sa rami ng kandidato ngayon sa pagka-presidente at bise presidente.

“May the best man win. The more the merrier,” aniya.

Given the chance, gusto ni Tito Sen na buuin ang National Film Commission na tiyak umanong makakatulong sa film industry ng bansa. Lahat ng ibang ahensiya na may kinalaman sa film industry ay saklaw ng NFC. Pero ang kanyang adbokasiya sa health, education, crime at anti-drugs ay mananatili niyang priority.

Samantala, proud si Tito Sen sa magandang performance ng kanyang pamangkin na si Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City na siguradong muling tatakbo for the same position sa nasabing lugar.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwith AsterAmoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE