Default Thumbnail

Good job DSWD — ACT CIS

August 28, 2022 People's Tonight 413 views

GOOD job DSWD”!!!

Ito ang naging pagbati at opisyal na pahayag ng ACT-CIS partylist hinggil sa maayos na pamimigay ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Edvic Yap, nakikita ang sinseridad ng DSWD para ipatupad ang kanilang misyon kaya agad na humingi ng tulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at local government units (LGUs) matapos ang magulong distribusyon ng ayuda noong Agosto 20.

“You will see naman the sincerity of DSWD to accomplish their mission,” ani Yap.

Umaasa at nananalangin din si Cong. Yap na tuluy-tuloy na magiging maayos ang pagbibigay ng ayuda ng DSWD sa mga estudyante hanggang sa September 24.

Sa panig naman ni Cong. Jocelyn Tulfo ay sinabi nitong ‘charge to experience’ ang nangyari sa unang pagbibigay ng ayuda.

Pahayag ng lady lawmaker ng ACT-CIS, ang mahalaga ay binuksan ni Sec. Erwin sa mas maraming beneficiaries ang educational assistance.

Para naman kay ACT-CIS Cong. Jeffrey Soriano, lahat naman ay nagkakamali at si Sec. Erwin ay agad naman na naitama ang pagkakamali sa tulong ng DILG at LGUs.

AUTHOR PROFILE