Richard & Lucy

Goma, Lucy at Juliana, naka-isolate

July 17, 2021 Ian F. Fariñas 177 views

PARE-PAREHONG in isolation ang mag-anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Rep. Lucy Torres-Gomez at unica hijang si Juliana matapos magpositibo ang aktor-politiko sa Covid-19 habang negatibo naman ang kanyang mag-ina.

Ayon sa kumpirmasyong ipinadala ni Mayor Goma sa ilang news agencies kahapon, hinala niya, nakuha niya ang virus sa exposure niya bilang alkalde ng Ormoc.

Pero, positibo rin naman siya na magiging maayos din ang kalagayan niya sa lalong madaling panahon dahil bakunado na nga siya.

Dagdag pa ni Mayor Goma, “I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better. Symptoms are mild and manageable and I will go back to work as soon as doctors will give the clearance.

“I ask everyone to continue to be vigilant and safe.”

Sa kanya rin nanggaling ang balita na nag-develop siya ng alta-presyon nitong panahon ng pandemya.

As for Lucy and Juliana, maayos din ang kalagayan ng mga ito although sabi nga ni Mayor Goma, “They’re negative and in isolation.”

AUTHOR PROFILE