AldenAlden

GMA, star-studded ang New Year celebration

December 29, 2022 Ian F. Fariñas 351 views

Makisaya kasama ang inyong paboritong Kapuso stars, P-Pop groups at K-pop artists sa bonggang New Year Special na Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon.

Pangungunahan ito nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Christian Bautista.

Present din sa big event sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Ruru Madrid, Korean social media star Dasuri Choi at Sparkle prime stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez.

May bonus pang song numbers mula kina Garrett Bolden, Jessica Villarubin at Thea Astley habang magpapakilig naman ang cast ng LUV IS: Caught In His Arms na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, Vince Maristela, Sean Lucas, Tanya Ramos at Cheska Fausto.

Sasamahan nila ang viewers sa isang watch party ng SBS Gayo Daejeon, ang biggest K-pop event of the year sa South Korea.

Magpe-perform sa Gayo Daejeon ang NCT 127, NCT DREAM, THE BOYZ, fromis_9, Stray Kids, (G)I-DLE, ATEEZ, ITZY, TOMORROW X TOGETHER, CRAVITY, aespa, ENHYPEN, IVE, NMIXX, TEMPEST, LE SSERAFIM at NewJeans.

Hahataw din sa stage with their hit songs ang P-pop groups na Calista, 1st.ONE at KAIA.

Salubungin ang Bagong Taon at mag-enjoy sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon bukas, December 31, 10:30 p.m., sa GMA-7.

Mapapanood din ang livestream ng programa sa YouTube channel ng GMA Network.

AUTHOR PROFILE