Julie

GMA Pinoy TV, ready na para sa balik-live concert sa Expo 2020 Dubai

March 29, 2022 Ian F. Fariñas 167 views

All set na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin at Xian Lim para sa Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai concert nila ngayong Miyerkules, March 30, 9 ng gabi.

Save the best for last nga ang GMA Pinoy TV dahil gaganapin ang pinakaunang comeback concert abroad nito sa The Dubai Millennium Amphitheatre sa Dubai Expo Grounds, isang araw bago ang enggrandeng pagtatapos ng pinakamalaking Expo sa mundo.

Bukod sa world-class performances na inihahanda ng Kapuso stars, makaka-collaborate rin nila ang ilang Pinoy performing groups.

Sponsored naman ng Filipino fashion designer na si Ryan Pacioles of Atelier Zuhra ang mga kasuotan nina Julie, Jessica at Xian.

Kaya must watch talaga ang concert nila sa Dubai bukas, March 30.

Para naman sa mga Pinoy na nasa ’Pinas o sa ibang panig ng mundo, mapapanood din via livestream ang GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai.

Pumunta lang sa Facebook page ng Expo 2020 Dubai at GMA Pinoy TV para sa mga detalye.

AUTHOR PROFILE