Kenya

GMA at Regal, collab sa telemovie

September 1, 2021 People's Tonight 182 views

Dalawa sa mga tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na anthology series ngayong taon.

Handog ng GMA Network at Regal Entertainment, Inc. ang Regal Studio Presents, na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV special kada linggo.

Para sa premiere episode, tampok ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa That Thin Line Between.

Sa kuwento, gaganap sina Ken at Sanya bilang magkapitbahay na accountant at online seller na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang mga paniniwala at ugali.

Bukod dito, meron ding pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso loveteam tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or “GabLil” at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng “Team Jolly.”

Huwag palalampasin ang mga handog ng Regal Studio Presents sa two-part primetime premiere sa September 11 at 18, 8:30 p.m., bago lumipat sa regular timeslot na 4:35 p.m. tuwing Sunday simula September 26 sa GMA.

AUTHOR PROFILE