Kiko & Gloc9

Gloc 9, inalala ang idolong si Francis M

March 7, 2022 People's Tonight 1087 views

THIRTEENTH death anniversary ng late Pinoy Rap King na si Francis Magalona nitong nakaraang araw. Namatay si Francis sa sakit na leukemia nu’ng 2009.

Inalala ng anak niyang si Maxene Magalona ang death anniversary ng ama.

Ang rapper naman na si Gloc 9 o Aristotle Polistico sa totoong buhay ay may throwback photo kasama si Francis M sa kanyang Instagram na may caption na, “Ako ay tagahanga Mo!!”

Maging ang asawang si Pia Magalona at isang anak na si Saab Magalona ay inalala ang kamatayan ni Francis sa kanilang social media account.

Naka-collaborate naman noon ni Francis si Gloc 9 sa kantang Lando.

Naging Eat Bulaga Dabarkads din si Francis noong nabubuuhay pa.

Siya ang dahilan kung bakit ginagamit ngayon ang EB Dabarkads na pinauso niya.

NAGBIGAY-PAYO

NAGLABAS ng babala ang TV host-actor na si Robi Domingo sa mga boboto ngayong eleksiyon sa Mayo.

“Tandaan: Huwag magpabudol!” diin ni Robi.

Nakipag-partner si Robi sa Young Public Servants, isang grupo ng kabataan na nagsusulong ng good governance, sa paggawa ng video, kung saan tampok ang isang game show na may pamagat na All or Nothing.

Sa video, tinanong niya ang mga manonood ng tanong na may pagpipilian: “Sa pagpili ng kandidato, ano ang gagawin mo?”

Tatlo ang inilibas niyang pagpipilian – Manghula; Phone a Friend; at “Survey Says.”

Sa tatlong pagpipilian, may payo si Robi. Hinikayat din niyang huwag maniwala sa TikTok at pag-aralang mabuti ang pipiliin.

“Sa eleksiyon, hindi isang miyon piso ang nakataya rito. Future mo at ng buong Pilipnas ang mababago,” saad niya.

Ang diin niya, “Tandaan: Huwag magpabudol.”

Bukod kay Robi, ang isa pang nagbigay ng payo sa mga botante ay si Angelica Panganiban. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE