Default Thumbnail

Globe, ano na?

October 31, 2022 Paul M. Gutierrez 271 views

PaulBAGO ang lahat, muli nating binabati ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa matagumpay na pagdaraos ng ika-70 taon ng pinakamalaking samahan ng aktibong mamamahayag sa bansa, noong Biyernes, Oktubre 28, 2022.

At siyempre, salamat, PBBM at VP Sara Duterte, na siyang mga nanguna sa hanay ng ating mga opisyal na nagpadalala ng kanilang mga pagbati sa NPC.

Mabuhay ang NPC and we look forward to celebrating the next 70 years, yeheyy!

***

Higit limang araw na ngayon sapul ng magpadala tayo ng P5,000 gamit ang GCash noong Miyerkules sa isang “makina” ng ‘7/11’ kung saan P50 pa nga ang agad na kinaltas bilang ‘service fee.’

Alam natin na kakaltasan pa ito ulit ng ‘7/11’ bilang panibagong service fee bago makuha ng aking ina sa probinsiya, pero okay na rin dahil kailangan niya talaga ng pera.

Ang “masaklap” dear readers? Aber, hanggang binabasa ninyo ito, WALA, as in nadah, zilch, bokya, alaws pa ring natatanggap na pera dahil hanggang ngayon, wala pa ring ‘confirmation’ ang GCash na naipadala nila ang pera, kaya estilong “ninakaw” na ang perang pinaghirapan natin.

Matapos nating mai-post sa FB ang ating reklamo, may kumontak naman na dalawang babae para umano “tumulong” na maayos ang problema.

‘Yun nga lang 5 days later, habang binabasa ninyo ito, wala pang nangyari—at sa nakikita natin—wala nang mangyayari.

Dangan kasi, matapos nating ma-post sa FB ang ating reklamo, aba’y sandamakmak ang mga hugot at sumbong na natanggap natin na isa lang ang mensahe—kahit sila “nabiktima” ng Gash sa partikular at ng Globe sa pangkabuuan.

Dahil milyon ang ‘subscriber’ ng Globe, PBBM, ikaw na ang magkuwenta kung kahit isang porsiyento lang ng mga kostumer nito ay sistematikong “kinukupitan” ng kanilang mga padalang pera. Aber, milyones din yan bawat araw, hindi ba, BSP governor Felipe Medalla?

Uulitin natin dito ang ating panawagan na dapat nang kaladkarin sa imbestigasyon itong Globe! At isama na rin ang mga peke at manlolokong money lending companies na ginagamit ang social media para makapambiktima.’

AUTHOR PROFILE