Castro

Glaiza namahagi ng blessings sa 34th birthday

January 31, 2022 Eugene E. Asis 94 views

Castro1Castro3SUNUD- SUNOD ang projects ngayon ng Kapuso star na si Glaiza De Castro kaya hindi siya nakalilimot mag-share ng blessings.

Kamakailan lang ay sinalubong ni Glaiza ang kanyang 34th birthday sa pamamagitan ng pamamahagi ng grocery package sa mahihirap na komunidad ng Baler, Aurora. Makikita rin sa IG feed ng dalaga ang taos puso niyang pasasalamat para sa lahat ng bumati at tumulong sa kaniya para sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Kaya naman, hindi kataka-takang matapos ang kaniyang phenomenal stint sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Nagbabagang Luha” ay sumalang na si Glaiza sa panibagong lock-in taping para sa upcoming show niya kasama si Xian Lim, ang “False Positive.” Bukod sa excitement ng fans na mapanood ito ngayong 2022 ay looking forward na sila sa onscreen chemistry nina Glaiza at Xian na first time magtatambal para sa serye.

StarMark & BenMark & BenMarkMark balik-akting sa ‘Artikulo 247’

INAABANGAN na ng fans ang ipapamalas na husay sa pag-arte ni Mark Herras sa pinakabagong legal drama series ng Kapuso Network ngayong 2022, ang “Artikulo 247.”

Unang serye ito ng tinaguriang “Bad Boy ng Dance Floor” this year kung saan gaganap siya bilang si Elijah Borromeo, isang mabait at ideal son. Kakaiba at challenging man ang role, excited si Mark na mapanood ang programa dahil ibang klase ang istorya nito at siguradong kapupulutan ng aral.

Last year nagsimula ang lock-in taping para sa “Artikulo 247” at base sa mga behind-the-scenes photos na ipinasilip ng GMA, kitang-kita na puspusan ang paghahanda ng all-star cast para pagandahin pa ang serye na pinagbibidahan din nina Rhian Ramos, Mike Tan, Kris Bernal, at Benjamin Alves.

AUTHOR PROFILE