Glaiza

Glaiza at David, walang palitan ng wedding ring

February 14, 2022 People's Tonight 297 views

MAHIGIT tatlong buwang itinago ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na kasal na siya sa kanyang Irish fiancé na si David Rainey.

October 2021 ikinasal si Glaiza kay David sa Ireland sa tradisyon ng bansa.

Inilantad ni Glaiza ang kasal niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday.

Ang tanong ng marami – buntis na kaya si Glaiza?

Eh, ‘yung Kapuso series nila ni Xian Lim na False Positive ay tungkol sa pagbubuntis pero may twist, huh!

Baka buntis na ngayon si Glaiza at ang pagbubuntis, hindi na niya puwedeng maitago, huh!

Kahit sa Ireland ikinasal, at walang palitan ng wedding rings sa kanila ni David, magpapakasal pa rin daw sila sa bansa na may wedding ring na.

DAVE, ’DI BUTAS ANG BULSA SA PAGTULONG — ARA MINA

PROUD wifey si Ara Mina dahil sa pagbibigay ng proyekto ng asawa niyang si Dave Almarinez kahit hindi pa ito nakaupo sa puwesto sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Ara, hindi butas ang bulsa ni Dave kapag may lumalapit sa asawa na barangay leader at pamilya para humihingi ng tulong.

“Ganu’n talaga siya. Ginagawan niya ng paraan ang mga humihingi ng tulong at galing sa bulsa niya ‘yon,” sey ni Ara.

Isa sa mga pinakamalaking proyekto ni Dave ay ang free wi-fi sa buong San Pedro para sa mga kabataan na nag-aaral at sa mga nagtatrabaho from home.

Nag-donate rin ang grupo ni Dave ng 10,080 Moderna Covid-19 vaccines sa San Pedro at ipinamahagi last February 12.

Kahapon, Valentine’s Day, bumaba galing sa lock-in taping sa Ilocos si Ara para makasama ang asawa ng ilang araw bago bumalik sa taping bubble. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE