Christopher

Gladys at Christopher pinagbuklod ng panahon

May 12, 2022 Aster Amoyo 500 views

Christopher1

Christopher2

Gladys

LAST January 23, 2022 ay nag-celebrate ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ng kanilang 19th anniversary bilang mag-asawa and their 20th year bilang magka-relasyon.

Ang former “That’s Entertainment” couple ay nagkalapit sa isa’t isa sa set ng hit TV series na “Mara Clara” (1992-1997) kung saan sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang lead stars. At that time ay 14 years old pa lamang si Gladys at 12 naman si Christopher kaya maituturing na puppy love pa lamang ang nararamdam ng dalawa. Pero pareho silang naniniwala sa kasabihang `First love never dies’.

Hindi nakaranas ang ibang karelasyon sina Gladys at Christopher at wala silang pinagsisisihan dahil sabay umanong nag-grow ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa kanilang pagma-mature.

It was on January 23, 2004 when the young couple sealed their relationship through marriage. Ang dalawa ay ikinasal sa pamamagitan ng isang grand wedding na ginanap sa central church ng Iglesia ni Cristo na sinundan ng reception in Fernwoods, Quezon City. The marriage bore four beautiful children na sina Gian Christopher (Christophe) – 16, Gianna Aquisha (13), Grand Carlin (10) at si Gavin Cale (5).

Mag-boyfriend-girlfriend pa lamang noon ang dalawa nang sila’y mag-cool-off to give themselves space pero tumatagal lamang ito ang one-month-and-a-half at muli silang nagkabalikan. Sa kanilang cool-off period nila na-realize na mahal talaga nila ang isa’t isa. Since then ay hindi na muling nagkahiwalay ang dalawa although inaamin nila na hindi umano perfect ang kanilang pagsasama dahil nagkakaroon pa rin umano sila ng diskusyon just like other couples.

Nang magka-anak ang mag-asawa, mas lalo umanong naging strong ang kanilang pagsasama at pagmamahalan dahil una sa lahat, naka-sentro ang Diyos at ang kanilang strong na pananampalataya sa Kanya.

Sa simula ng kanilang relasyon bilang teens ay meron na umanong challenges dahil sa kanilang magkahiwalay na pananampalataya sa Diyos. Si Gladys ay saradong miyembro ng INC (Iglesia ni Cristo) habang si Christopher ay katoliko since birth. Pero dahil sa pagmamahal ng Filipino-French singer-actor kay Gladys, nagsimula itong um-attend sa iba’t ibang services ng INC kasama si Gladys at pamilya nito hanggang totally mayakap na rin niya ang mga teachings ng Iglesia ni Cristo.

Bago ikinasal sina Gladys at Christopher ay niyakap na rin ng singer-actor ang pagiging INC member at dito napatunayan na talagang mahal na mahal niya ang misis na niya ngayon. For one, bawal sa INC na ikasal ang isang couple na hindi magkaisa ang relihiyon kaya nagpa-convert siya bago ang kanilang wedding more than eighteen years ago.

Ang pagkakaroon ng apat na mababait, magagalang at matatalinong mga anak ay maituturing na continued blessings sa mag-asawang Gladys at Christopher. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa mag-asawa para lalo nilang mapangalagaan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Sa kabila ng kanilang respective busy schedules, they make it a point na may oras sila para sa Ama (Diyos) gayundin sa kanilang mga anak kaya balansyado umano ang lahat.

Aminado si Gladys na habang lumalaki ang mga bata ay lumalabas na rin ang kanilang respective interests. Ang kanilang panganay na si Christophe ay minana ang singing talent ng kanyang ama habang maganda ang academic performance nito sa school. Ang kanilang only daughter na si Aquisha ay mahilig sumayaw at umarte pero priority pa rin ng mga bata ang kanilang strong faith at pag-aaral.

“Lahat naman siguro ng magulang ay gustong maging successful ang kanilang mga anak balang araw at `yun din ang gusto naming mangyari sa mga anak namin” pahayag ng `La Primera Contravida’ sa telebisyona at pelikula na si Gladys.

“Bukod sa kanilang strong faith and good values, gusto namin silang maging successful sa kanilang respective careers balang araw,” dugtong pa ng actress, host and successful entrepreneur.

Gladys started her showbiz career when she was six years old nang siya’y sumali sa iconic segment ng top-rating ang long-running noontime show, ang “Eat Bulaga”, ang “Little Miss Philippines” nung dekada otsenta. Hindi man niya nakuha ang main title, ito naman ang kanyang naging daan para mapasok ang showbiz.

She was barely three years old ay kinakitaan na si Gladys ng hilig umarte ng kanyang mga magulang.

Matapos mapanood si Gladys ng yumaong actress-producer na si Mina Aragon ay ipinatawag siya at isinama sa pelikulang “Baby Tsina” na pinagbidahan ni Vilma Santos in 1984 na pinamahalaan ng magaling na yumaong director na si Marilou Diaz-Abaya. Kasama rin siya sa pelikulang “Nakagapos na Puso” in 1986 kung saan tampok na mga bituin sina Lorna Tolentino, Sharon Cuneta, Edu Manzano, Tonton Gutierrez at Sandy Andolong na pinamahalaan naman ng yumaong veteran actor-director na si Leroy Salvador. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pag-aartista ni Gladys.

Ang kanyang unang TV series ay nangyari in 1992 sa pamamagitan ng hit TV series ng ABS-CBN, ang “Mara Clara” na tinampukan nilang dalawa ng kanyang best friend na si Judy Ann Santos.

“Magkaaway kami sa serye pero the best of friends kami sa tunay na buhay,” pag-amin pa ni Gladys sa aming exclusive interview sa kanya for “TicTALK with Aster Amoyo” online show on my YouTube channel.

Hinding-hindi makakalimutan ni Gladys ang ginawang tulong sa kanila ng kanyang mga anak nang magka-Ondoy noong 1998 kung saan lubog ang maraming lugar ng Rizal at Metro Manila including Cainta kung saan nakatira ang pamilya ni Gladys. At that time ay nasa Japan si Christopher at si Gladys ang naiwan sa kanilang mga anak.

Naka-monitor noon sa TV ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo sa nanyaring flash floods sa maraming lugar ng Rizal kaya nag-worry ang mag-asawa at kahit mahirap ay sinagip nila si Gladys at pamilya nito sa kanilang lugar na lagpas tao na ang taas ng baha.

“Up to this day, never kong makakalimutan ang ginawang pagsagip sa amin ng mag-asawang Juday at Ryan,” pagbabalik-tanaw ng actress-host.

Sa kabila ng pagiging “La Primera Contravida” ni Gladys, siya’y pinagkatiwalaan ng NET25 na mag-host ng sarili niyang celebrity talk show, ang “MOMents” now on its 13th year.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang stint sa dating youth-oriented program on GMA, ang “That’s Entertainment” na pinangasiwaan ng yumaong star builder at Master Showman an si German `Kuya Germs’ Moreno dahil doon umano siya nagsimulang mahasa sa paghu-host, pagkanta at pagsayaw (kahit hindi umano siya dancer).

In her almost four decades in showbiz, Gladys learned a lot of things in the business at number one rito ang pakikisama sa lahat.

“I’m grateful na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nila akong pinagkakatiwalaan although nitong kasagsagan ng pandemic ay hindi talaga ako tumanggap ng lock-in tapings dahil ayokong mawalay nang matagal sa pamilya ko,” kuwento ni Gladys.

Pero ngayong unti-unti nang nagluluwag ang health protocols at bakunado na ang karamihan ay bukas na naman silang mag-asawa sa kanyang acting jobs although may iba silang pinagkakaabalahan ngayon, ang kanilang iba’t ibang food business including catering service (Sommereux Catering) and restaurant in Laguna kung saan si Christopher ang nakatutok sa operation habang sa marketing side naman si Gladys.

Si Christopher na isang Filipino-French (Jean-Christophe Sommereux) ay nag-aral ng Culinary Arts sa International School for Culinary Arts and Hotel Management (ISCAHM).

Serrano

Ang paglalakbay ni Fanny Serrano

SUMAKABILANG-buhay na last May 10, 2022 ang kilalang make-up artist, stylist and fashion designer to the stars and known personalities, actor and celebrity endorser na si Felix Mariano Fausto, Jr. na mas kilala ng lahat as Fanny Serrano at age 72. Heart complications ang ikinamatay ni Fanny matapos itong magkaroon ng dalawang magkahiwalay na heart attacks nung 2016 and 2020. After his heart attack in 2020 ay hindi na siya naka-recover at nanatili siyang bed-ridden until the time of his death.

Identified kay Fanny ang maraming stars and known celebrities tulad nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Amy Austria, Maricel Soriano, Zsa Zsa Padilla,Celia Rodriguez at napakarami pang iba.

Mas nauna ang pagiging actor ni Fanny nung 1973 nang gawin niya ang pelikulang “Bakit May Bilanggo Sa Anak ni Eva” na sinundan ng “Babae” na pinagbidahan nina Amalia Fuentes, Pilar Pilapil at Gloria Diaz. Ang pagiging make-up artist naman ni Fanny ay nagsimula nang siya ang naatasang mag-make-up kay Celia Rodriguez sa horror-thriller movie na “Maligno” na dinirek ng yumaong director na si Celso Ad. Castillo at kasunod na ito sa kanyang pagiging costume designer. Walang formal training si Fanny sa pagmi-make-up at hair-styling maging sa kanyang pagiging isang fashion-designer. Siya ang ginawang costume designer noon sa pelikula ni Maricel Soriano, ang “Maria Went To Town” kung saan nagsimula ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

Sa kabila ng pagiging successful make-up artist, fashion designer, celebrity endorser at pagiging salon owner ni Fanny, never siyang nag-invest ng sarili niyang bahay at nanatili siyang nangupahan maging sa mga puwesto ng kanyang salon.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Fanny.

Salamat sa pagbati

Personal: My personal thanks to all those who remembered (in various ways) my birthday last May 10. Maraming salamat sa inyong lahat.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Folllow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE