Manila Police District

Ginang timbog sa syndicated estafa

April 30, 2022 Jonjon Reyes 360 views

ISANG 43-anyos na ginang ang inaresto dahil sa illegal recruitment sa kanyang bahay sa Naic Cavite ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD), kamakailan ng hapon.

Kinilala ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, District Director ng MPD ang suspek na si Maricel Ramos na nakatira sa Pagkakaisa St., Barangay Bancaan, Naic sa Cavite.

Base sa ulat ni P/Maj. Rommel Anicete ng MPD-Criminal Investigation Division na isinumiti kay P/Lt. Col. Noel Aliño, hepe ng District Investigation Division Management (DIDM) bandang 1:03 ng hapon nang matunton ang kinaroroonan ng ginang sa kanyang bahay.

Naaresto ang estafa suspect dahil sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria May Zapronco-Redor ng Regional Trial Court Branch 167 ng Lucena City na may inirekomendang piyansang P120,000.

Ang ginang ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 6, PAR A ng R.A. 8042 na inamiyendahan sa R.A 10022 (Syndicated Estafa) at kabilang sa top most wanted sa talaan ng station level sa Lucena City.

AUTHOR PROFILE