Default Thumbnail

Ginang ninakawan, winakwak sa saksak sa tabi ng anak, 3

July 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 224 views

PATAY ang isang ginang makaraang burdahan ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspect sa loob ng kanyang tahanan sa Baguio City.

Nakilala ang biktima na si Floradel de Mesa, 39, residente ng Purok 8, Sampaguita Site, Barangay San Luis, sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Baguio City Police Station 1 Commander Major. Dencio Dayao, natagpuan ang biktima sa loob ng kanyang bahay dakong 6 a.m.

Tadtad ang biktima ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ligtas naman ang kanyang 3-taong gulang na anak.

Nawawala din umano ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000.

Sa ngayon, may suspect na umano sa krimen subalit hindi muna nila ibibigay ang detalye hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon.