Default Thumbnail

Ginang muntik bumili ng nakaw, suspek tiklo

June 30, 2023 Edd Reyes 176 views

MUNTIK nang mapahamak ang isang 58-anyos na ginang nang alukin ito na bilhin ang nakaw na wallet na nagkakahalaga ng P590 sa Malabon Huwebes ng umaga.

Ayon sa report, isang promodizer ng mall ang nag-alok ng nakaw na wallet kay Josephine Aranas, ng 56-D, Kapitbahayan, North Bay Blvd, South Navotas City.

Kinilala naman ang suspek na si Mark Anthony Recote, 22, promodizer ng department store sa loob ng Fisher Mall na nasa panulukan ng C4 Road at Dagat-Dagaan Avenue, Brgy. Longos, Malabon.

Inalok kay Aranas ang wallet sa halagang P500 pero napag-alamang P590 pala na nalaman lang nang sitahin ng guwardiyang si Raymart Libarra.

Hinanapan ng resibo si Aranas sa dalang wallet bago pa makalabas ng department store.

Dahil walang naipakitang resibo, dinala si Aranas sa security office ng mall upang imbestigahan at dito natuklasan na inalok sa kanya ang binayarang wallet sa suspek na hindi niya alam na nakaw lang pala.

Kaagad humingi ng tulong ang hepe ng security office ng mall kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones, Jr.

Ayon kina P/SSgt. Bengie Nalogoc at P/Cpl. Rocky Pagindas ng Malabon Police Investigation and Detective Management Section, sasampahan nila ng kasong qualified theft ang suspek batay na rin sa reklamong inihain laban sa kanya ng naturang mall.

AUTHOR PROFILE