Default Thumbnail

Ginang huli sa estafa

December 3, 2023 Jonjon Reyes 155 views

HINDI nakaeskerda ang 38-anyos na ginang makaraang arestuhin sa corner ng Taft Avenue at Pablo Ocampo St., Brgy. 728, Malate, Manila noong Biyernes dahil sa estafa.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, naaresto ang suspek na si Maricel, ng Brgy. Nagsabangan, San Juan, La Union bandang alas-5:00 ng hapon.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant ng Prosecutor’s Office ng Maynila.

Si Police Executive Master Sergeant Flaviano Gacal, may hawak ng kaso, ang naghanda ng mga dokumento ng pag aresto at isinailalim sa medical examination sa Ospital ng Maynila matapos maaresto ang suspek.

AUTHOR PROFILE