Kraft

Ginang arestado sa pagpupuslit ng shabu sa preso

August 6, 2023 Zaida I. Delos Reyes 224 views

ARESTADO ang isang ginang dahil sa umano’y pagpupuslit ng droga sa loob ng kulungan sa Butuan City noong Huwebes.

Hindi muna pinangalanan ang suspect hanggat inaalam pa ng mga awtoridad kung sinu-sino ang kanyang mga koneksyon.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO) 13, bumisita ang suspect sa isang preso nang inspeksyunin ng mga jail guards.

Doon na nakuha sa kanya ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu.

May timbang na pitong gramo ang shabu at nagkakahalaga ng P47,600.

Sinabi ni PRO 13 Director Police Brig. Gen. Kirby John B. Kraft na sasampahan ang suspect ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“PRO-13, in collaboration with other law enforcement agencies, will continue to work diligently to suppress illegal drugs and other illegal activities in the region,” pahayag ni Kraft.