Default Thumbnail

Ginang arestado sa ‘online libel’

September 23, 2022 Jonjon Reyes 221 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Anti-Cybercrime Team kasama ang ilang kapulisan ng MPD Station 4 ang isang 49-anyos na ginang sa dahil sa “online libel” sa Sampaloc, Maynila, Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Police Leutenanant Colonel Jay D. Guillermo, Officer-in-Charge (OIC) ng Regional Anti-Crime Cyber Unit ng NCRPO (National Capital Region Police Office), nahuli ang suspek na ginang matapos ihain ang arrest warrant laban dito.

Base sa ulat ni PMajor Reynaldo T.Salim , team leader ng MDACT, bandang 11:00 ng tanghali, nang arestuhin ang ginang sa 968 Prudencio St, Sampaloc.

Nauna rito, nakipagkoordina si Salim sa tanggapan ni P/Lt. Col. Paul Jay Doles, commander ng MPD Stn. 4, para pormal na maaresto ang suspek.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Victoria S. Villadolid ng Regional Trial Court , Branch 24 ng Maynila dahil sa kasong paglabag sa Section 4c (4) o “online libel” ng Republic Act 10175 na may inirekomendang P10,000 piyansa.

Pansamantalang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek habang pinoproseso ang mga dokumento ng pag-aresto ng may hawak ng kaso na si P/Cpl. Alvin F. Sildo.

AUTHOR PROFILE