Gil

GIL, CHILL LANG SA PAKIKIPAGRELASYON KAY LEXI

October 13, 2023 Jun Nardo 301 views

TULUYANG tinalikuran ng Kapuso actor na si Gil Cuerva ang pagiging modelo nang agawin siya ng showbiz.

Eh, kumpara sa bayad sa pagiging modelo, ‘di hamak na mas malaki ang take home pay ni Gil sa showbiz, huh!

Kahit nang magsimula sa showbiz ay leading man agad ang nakuha niyang papel sa Philippine adaptation ng K-drama na My Love from the Star with Jennylyn Mercado, patuloy pa ring sumasabak sa audition si Gil dahil malaking tulong ito sa improvement niya sa an actor.

In a relationship ngayon si Gil with Lexi Gonzales.

Kahit nababanggit ni Lexi na si Gil na ang “The One,” anang aktor, “Bata pa si Lexi at marami pang gustong ma-achieve sa career. Basta kami, chill lang at happy kami sa isa’t isa!”

Abangan ang interview namin kay Gil sa Marites University for more revelations.

AUTHOR PROFILE