Joshua Larawan mula sa IG/@emiliennevigier

‘Gf’ ifinlex si Joshua sa scomed

October 7, 2023 People's Tonight 334 views

SA ika-26 kaarawan ng aktor na si Joshua Garcia ay flinex siya ng kanyang rumored girlfriend at French-Filipino golfer na si Emilienne Vigier.

Ibinahagi ng atleta ang ilang sweet photos nila ni Joshua sa kanyang Instagram stories nitong Sabado, Oktubre 7.

Kalakip ng mga matatamis na larawan ng dalawa ay ang simpleng caption ni Emilienne para sa pagdiriwang ng birthday ni Joshua, “26” kasama ang ilang emojis.

Kamakailan lamang ay matatandaang umingay ang usap-usapang ano nga ba ang namamagitan kina Joshua at Emilienne dahil sa naging sagot ng aktor.

Sey ni Joshua ay hindi naman daw niya itinatanggi ang relasyon na mayroon siya at ni Emilienne. Nais lamang daw umano ng aktor na maging pribado ito at ayaw ibahagi sa iba dahil sila lang ang parte ng relasyon.

AUTHOR PROFILE