Pic

Gerard na-inspire kay Ruru

January 14, 2025 Aster Amoyo 91 views

Ruru1NAGKATRABAHO na noon sina primetime action hero Ruru Madrid at aktor na si Gerard Pizarras bago pa man maging co-stars sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Ibinahagi ni Gerard ang first impressions niya kay Ruru noong nagkatrabaho sila sa seryeng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.

“13 years ago, may kaeksena ako, parang anak ko siya doon sa eksena. Napakapayat na lalaki nito sa show na Paroa. Action, action ganoon, nakita ko ‘tong bata na ‘to medyo may pigura, marunong umarte. Sinabi ko sa sarili ko, may future sa action ‘to. Hindi po ako nagkamali, siya po si Ruru ngayon na iniidolo niyo, naging action star,” paggunita niya.

Inspiring din daw para sa kanya ang makita ngayong si Ruru na malayo na ang narating.

“Noong time na ‘yun, noong sinabi ko marunong siyang umarte, hindi ako nagkamali. After many years, awarded na Best Actor in a Supporting Role. Pinanood ko po ‘yun (Green Bones). Pinanood ko ‘yun before ‘yung awarding at sinabi ko talaga sa story, napakagaling nitong taong ‘to. He deserves an award and an audience like us kasi matututo tayo eh. Mai-inispire tayo sa tao na ‘to,” saad ni Gerard.

Sa Lolong: Bayani ng Bayan, gaganap si Gerard sa serye bilang Joshua, stay-at-home dad na nakatira sa bayan ng Tumahan.

Sofia na-shock sa hubad na katawan ni Allen 

Pic1Pic2HINDI maitanggi ni Sofia Pablo na naninabago siya sa ka-love team na si Allen Ansay nang makita itong mag-topless sa isa sa mga eksena nila para sa Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail.

Isa sa mga eksena na ipinakita sa trailer ng naturang serye ay ang pagkalunod ng karakter ni Sofia na si Princess sa swimming pool. Matapos itong makita ay sinagip ni Xavier, ang karakter ni Allen, si Princess.

Kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagta-topless ni Allen sa serye. Pag-amin ng aktor, ito ang unang pagkakataon niya na gawin iyon sa isang serye.

Nang hingin naman ng batikang host ang reaksyon ni Sofia sa naturang eksena, ang sagot ng young actress, “Nagulat po ako.”

Paliwanag niya ay noong nag-look test sila para sa eksena ay naka rash guard lang sina Allen at Radson Flores kaya’t nagulat siya nang makita silang naka-topless na sa mismong araw ng taping.

“Tapos paglabas, sabi namin ‘Talaga?’ Akala po namin inaasar lang kami. Sabi, ‘Hindi, ‘yan talaga, promise. ‘Di kami nagbibiro,’” pag-alala ni Sofia.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Nanibago po ako, sabi ko, ‘Kaeksena ko, nakahubad, ano ba ‘yan.’”

Kuwento naman ni Allen ay hindi rin niya akalain na magta-topless siya noong araw na ‘yun at kahit na maraming dalang pagkain si Sofia sa set, ay hindi siya kumain buong araw para ready siya sa nasabing eksena.

Yassi open to the public ang vacation house

Pic3BINUKSAN na ni Yassi Pressman ang kanyang vacation house for rent to the public.

In her Instagram post, sinabi ni Yassi na ang Cabana Yassi ay special sa kanya.

Cabana Yassi is situated in Antipolo and is currently available for booking through Airbnb, an online marketplace for short-and-long-term homestays.

The venue is priced at ₱35,000 a night for its normal rate according to the website.

“A space where you and your loved ones can relax, bond, and slow down,” sey ni Yassi na pinakita ang ilang areas ng bahay.

Dagdag pa niya: “This house is so special to me as ive personally created so many special core memories here. I’ve always believed in the power of energy and how you can pass it to a place or a person; so here’s me exchanging the good energy with you hoping you enjoy this space just as much as I did.”

AUTHOR PROFILE