Gerald sinagot ang isyu kina Bea at Pia
Naging guest si Gerald Anderson recently sa “The Men’s Room” ng One News PH hosted by Stanley Chi and Janno Gibbs at maraming isyung naitanong sa aktor.
Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung okay na ba sila ni letter B.
Ang lakas ng tawa ni Gerald.
“Oh my God,” sambit pa niya na tila nahihirapang sumagot.
Pero sinagot din naman ito ng aktor. Aniya, “’’Di ko masagot ng 100%, pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na nu’n eh. ‘Yun lang. Next?”
Siyempre ang hula ng marami ay ang ex-girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo ang “B” na tinutukoy dahil open book naman na hindi maganda ang kanilang naging hiwalayan.
Isa pang tanong sa kanya ay kung totoo ang tsismis sa kanila ni letter P.
“Ang tagal naman no’n,” sagot ni Gerald. “Tsismis lang ‘yun.”
Ang hula naman ng netizens kung sino ang “P” ay si Pia Wurtzbach na na-link sa kanya habang ginagawa nila ang pinagsamahang pelikula na “My Perfect You.”
Natanong din ang aktor kung ina-unfriend or ina-unfollow ba niya sa social media ang kanyang ex-girlfriends.
“No, never. Ina-unfollow ako pero never ako. Siyempre naman, kumbaga, bago naghiwalay man, I used to cherish those moments na masaya kayo. ‘Yun ‘yung perspective ko diyan,” sey ni Gerald.
Hindi rin daw siya nagde-delete ng mga picture nila ng kanyang mga ex sa Instagram.
“Kahit i-check n’yo,” sambit pa ng aktor.