Gerald Gerald Santos

Gerald Santos may kakaibang advocacy na ilulunsad sa comeback concert

January 12, 2025 Eugene E. Asis 58 views
GErald1
‘Courage’ poster

Trigger warning: mention of rape, sexual abuse

MAGKAKAROON ng comeback concert na pinamagatang “Courage” ang “Pinoy Pop Superstar” Season 2 grand champion at Miss Saigon alumni na si Gerald Santos sa darating na January 24 sa SM North Edsa Skydome. Available na ang mga ticket para sa “Courage” sa SM Tickets. This is produced by Echo Jam with Visionary Productions and written, conceptualized and directed by Antonio Rommel Ramilo.

Isa ito sa mga napag-usapan sa kanyang mediacon na ginanap kamakawala sa Asian Pandan Restaurant.

Bukod sa concert, naglabas din siya ng bagong single, ang ‘Hubad’ na kakaiba ang tema kaysa sa mga dati niyang kinakanta. Tila kaugnay ito ng kanyang concert na ‘Courage’ na may kaugnayan naman sa malaking balitang gumimbal sa entertainment scene, ang matapang niyang paglabas tungkol sa diumano’y panghahalay sa kanya ng kilalang musical director na si Danny Tan.

Bagama’t hindi pa siya naghahain ng pormal na reklamo, inamin ito ng binata sa ilang Senate hearing noong isang taon. Aniya, naganap ito noong siya’y 15 taong gulang pa lamang.

Sa pamamagitan nito, nangako si Sen. Jinggoy Estrada na bibigyan siya ng abogado kung magsasampa siya ng kaso.

Ano na ang status ng kanyang kaso?

“Nakikipag-usap pa rin kami sa legal counsel na ibinigay sa amin ni Sen. Jinggoy and naiintindihan ko naman (na nadi-delay) kasi marami rin siyang hina-handle na cases so medyo naba-backtrack kami but hopefully this month may resulta na, may magiging aksyon na,” ang pahayagsagot ni Gerald.

Ang pagpupursigi niya sa kaso ay may iba naring pinaghuhugutan. “Hindi na po ito para sa akin lang kundi pati na sa iba pa niyang biktima na lumapit at nakipag-usap sa akin after ng mga Senate hearing. Sabi ko nga nu’ng makaiyak ako sa Senate, ang laking tinik na nabunot sa dibdib ko, parang okay na nga ako du’n, e.

“But yung mga lumapit sa akin na iba pa niyang victims, particularly si Enzo Almario, I believe he really needs to face the law,” aniya pa.

Sa description ni Gerald, mas malala ang nangyari sa singer na si Enzo.

Dahil na rin dito, sinimulan niya ang advocacy niya na tinawag niyang Courage Movement, kung saan tutulungan nila ang mga biktima ng sexual abuse.

“I’ll be launching my advocacy, Courage Movement kasabay ng aking concert, to help ‘yung mga victims ng sexual abuse, harassment, rape, ‘yung mga ganon.

“Kasi na-realize ko nu’ng lumabas ako last year, how hard it was, doon sa mga biktima. I want to offer help. In every little way I can,” paliwanag ng binata.

“Through the movement, we aim to offer therapy sessions for victims. We are also planning on providing them legal assistance.

“To accomplish this, we are now in talks with various groups including the Public Attorney’s Office (PAO) and PAVE or Promoting Awareness, Victim Empowerment. It is a student organization dedicated to preventing sexual assault, dating violence, among others,” patuloy pa ng singer at aktor.

Pero dahil din dito, hindi nawala ang sinasabi ng mga basher na ginagam it lamang niya ang situwasyon para sa ikaangat ng kanyang career.“Masasabi ko lang doon nasa kanila na ‘yon kung ‘yon ang opinion nila. Wala naman akong magagawa doon. Kumbaga sa issue na ‘yon, hindi naman ‘yon out of the blue in the first place.

“Kumbaga ‘yung pinagdaanan ko na ‘yon matagal na, year 2010 pa, may complaint nako dyan. Three years ago, 2022, meron rin akong interview, hindi naman pinansin.

“Nagkataon lang na meron malaking pangalan sa industriya, nagkasabay kaya nagkaroon ng atensyon ‘yung aking case,” ani Gerald. Ang tinutukoy niya ay ang pagtatapat ng aktor na si Sandro Muhlach tungkol naman sa ginawa ng dalawang scriptwriter at director.

AUTHOR PROFILE