Gerald no-show sa b-day celeb ni Ai-Ai
WALANG Gerald Sibayan na sumulpot bilang special guest ni Ai-Ai de las Alas sa kanyang birthday celebration sa “All Out Sundays” last Sunday.
Ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda ang naging sorpresa ni Ai-Ai na bata pa lang ay nakita na niya at sinabihang, “Guwapo ka. Mag-artista ka!”
Pero ang mas nakakagulat sa selebrasyon ng Comedy Queen, ginawa niyang muli ang payanig niyang act na unti-unting pagtanggal ng suot hanggang sa matira ang huling saplot niyang bakat ang kaseksihan, huh!
Bihira nang gawin ng komedyana ang payanig niyang ito na sa past concerts niya ginagawa nu’ng single pa siya.
This time, ibinalik niya ang pagpapamalas ng kaseksihan na para bang sinasabi kay Gerald na, “Ito ang sinayang mo!”
Kahapon, guest si Ai-Ai sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
As of this writing, eh, hindi nagaganap ang interview but with my editor, Ian F., naku, mababasa rin ninyo sa People’s Tonight ang dahilan ng hiwalayang Ai-Ai at Gerald.
JESSICA NAKIPAGSABAYAN SA BINI
ACHIEVER talaga si Jessica Soho. Imagine, inabot na ng 20 years ang magazine show niyang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” huh!
For the first time, special guest ni Jessica ang sikat na all-girl group na BINI.
Nakisayaw si Jessica sa hit song ng grupo na “Salamin, Salamin” at may isang faney na Bloom na pinasaya ng show dahil personal niyang nakita ang mga idolo at nakasayaw pa.
Eh, ang maganda sa 20th offering ng “KMJS” last Sunday, ipinakita nito ang progress ng isang batang na-feature noon na may malaking tiyan dahil sa sakit.
Malaki na ang in-improve ng bata dahil wala na ang tiyang malaki.
May latest update rin sa episode ng baby switching at napagawan na ng hanging bridge ang isang bayan sa Mindanao na laging buwis-buhay kapag tumatawid ang lahat.
At in fairness, bago na ang logo ng “KMJS,” huh!