Gerald dinenay ang kasal sa Amerika
Itinanggi ni Gerald Anderson ang tsismis na ikinasal na sila sa US ng girlfriend na si Julia Barretto.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang tinanong niya mismo si Gerald kung totoo ang tsikang kasalan sa US.
“Minessage ko si Gerald. At ang sabi niya sa akin, ‘ikaw ang unang makakaalam kapag ikinasal na kami,’” sey ni Papa Ogs.
“Salamat Ge sa iyong pagsagot. At least nalinawan ‘yan na hindi totoo,” dagdag pa niya.
If true naman daw ay wala siyang nakikitang masama dahil nasa legal age na ang dalawa.
“Eh, kung totoo man, kung sakali man na totoo ito, ‘di ba? Eh, ano naman ngayon, eh, nasa legal na age sila?” aniya.
Kumalat sa social media ang tsismis na ikinasal na sina Gerald at Julia dahil sa blind item na may magdyowang ikinasal na sa US.
Hinulaan ng netizens na ang JuRald ang tinutukoy sa BI.