BBM4 Nag-courtesy call si Deputy Prime Minister and Minister of Foreign Affairs, Honourable Winston Peters kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace nitong June 11, 2024. PPA Pool – Ryan Baldemor

Geopolitical issues tinalakay ng PH, NZ

June 11, 2024 Chona Yu 131 views

BBM1BBM2BBM3NAG-COURTESY call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si New Zealand Deputy Prime Minister and Minister for Foreign Affairs Winston Peters sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa naturang pagpupulong, sinabi ng dalawang opisyal na mapalalim pa sana ang oagtalakay ng dalawang bansa ukol sa geopolitical issues pati na ang pagpapalakas sa kooperasyon sa ibat ibang larangan gaya ng agrikultura trade and investment.

Sabi ni Pangulong Marcos, ang courtesy call ay bunga ng pag-uusap nila ni Prime Minister Christopher Luxon nang bumisita sa bansa noong Abril.

“Well, Mr. Prime Minister, I’m, of course, very pleased to be able to welcome you to Manila after the very good visit that your new Prime Minister had here with us just a few weeks ago,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And at which time they — we agreed on many things and one of which was that the situation in our part of the world requires that — shall we say the smaller countries get together and have a response or a joint positioning when it comes to these geopolitical issues that we are — this complicated geopolitical issues that we are facing,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Umaasa si Pangulong Marcos na ang pagbisita ni Peter ay makatutulong sa bansa.

Sa panig ni Peters sinabi nito na naging produktibo ang pagbisita niya sa Pilipinas.

Target ng dalawang bansa na palakasin pa ang economic relations ng 50 porsyento pagsapit ng 2030.

AUTHOR PROFILE