Gento

‘Gento’ ng SB19, nangangamoy nominasyon sa Grammy Awards

October 14, 2023 Vinia Vivar 600 views

Nangangamoy nomination ang hit single ng SB19 na Gento sa US Recording Academy’s 66th Grammy Awards para sa kategoryang Best Pop Duo/Group Performance.

Inanunsyo ng Sony Music Philippines ang magandang balita sa kanilang X (dating Twitter) account kamakailan.

“A’TIN!!!! Mag ingay!!!! @SB19Official’s GENTO is an approved entry to the GRAMMY’s,” ang tweet ng Sony Music Ph.

Hiniling din ng nasabing record label sa mga A’TIN (SB19’s fandom) na i-share ang nasabing announcement hanggang sa makarating sa voting members ng Grammy at maisama sa nomination.

“Share until it gets to the voting members of the Recording Academy before Oct 20,” tweet ng Sony Music Ph.

The nomination will be announced on Nov. 10.

Matatandaang noong Mayo lang na-release ang Gento at kaagad na naging popular dance craze hindi lang sa bansa kundi maging sa iba pang K-pop artists.

Bukod dito ay nakapasok din ito at naging no. 8 sa Billboard World Digital Song Sales chart noong Hunyo.

AUTHOR PROFILE