Default Thumbnail

General Eleazar, hahabol ng COC for senator?

October 14, 2021 Allan L. Encarnacion 351 views

Allan EncarnacionDECIDING factor sa mga kandidato, lokal man o nasyunal ang debate sa iba’t ibang isyu.

Hindi puwedeng maingay ka lang, hindi puwedeng magpapa-cute ka lang tapos ayaw mong lumahok sa debateng ikakasa para sa mga kandidato.

Kaya iyong naghahangad na maluklok saan mang elective position, ngayon pa lang ay mag-aral na kayo habang may panahon pa.

Ang hindi lalahok sa debate, malamang ay hindi rin kayo maisama sa maiboboto.

***

Spare tire man o hindi, kailangan din ni Bato na maghanda para sa 2022 elections. Kung tuluyan ngang hindi mag-substitute si Inday Sara, dapat ay tumuloy na rin si Bato sa pagtakbong Presidente para madagdagan ang choice ng mga botante.

Hindi nga rin naman biro ang nakuhang boto ni Bato na 19 million noong 2019 senatorial election para pag-isipang pang-reserba lang siya.

Sabi nga, pag lumusong ka sa tubig, ano mang lalim yan, kailangan mong matutong lumangoy.

Unless may salbabidang Inday Sara ang sasagip sa kanya.

***

Inirereklamo ng mga motorista at mga negosyante ang LTO operatives na halos araw-araw ay nanghaharang ng mga sasakyan sa C3 Caloocan City.

Paging DOTr Secretary Art Tugade.

***

Maraming bansa na sa buong mundo ang nabubuhay sa existence ng COVID-19. Sa Asya, ang Thailand at Singapore ay magbubukas na sa para sa mga turista bagama’t may mga resitriction pa rin.

Dito sa atin, kailangan na nating buksan ang lahat ng negosyo para makabalik na sa trabaho ang ating mga kababayan.

Kailangan na nating tanggapin na ang COVID ay narito sa ating tabi at nakadukwang sa ating lahat. Ang importante lang ay patuloy pa rin tayong sumunod sa mga minimum health protocols.

Mahigit 24 million na ang fully vaccinated sa bansa at ang National Capital Region ay nasa downtrend na ang kaso.

Life must go on, kailangan nating magpatuloy sa paghahanapbuhay para sa ating mga pamilya at sa ekonomiya ng ating bansa.

***

Totoo bang si PNP Chief General Guillermo Eleazar ay magpapa-file rin ng COC for senator pagkatapos niyang magretiro sa Nobyembre?

Hindi rin naman masamang mag-ambisyon si Eleazar na maging senador tulad nila General Bato, General Ping Lacson at Trillanes.

Ang tanong lang, kaninong partido at sino ang kanyang papalitan?

Abangan ang susunod na kabanata.

[email protected]