Luis

Gender reveal, inaabangan

August 23, 2022 Vinia Vivar 345 views

Excited na talagang maging parents ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Panay ang update nila sa kani-kanilang social media accounts ng mga latest development sa pregnancy ng aktres at sa magiging first baby nila na for now ay tinawag nilang “Peanut.”

Kahapon ay nag-post si Luis ng video ng ultrasound ng kanilang baby sa loob ng tummy ni Jessy. Makikita ritong may porma na talaga ang face ni Baby Peanut.

’Kaaliw ang caption ni Luis na nagpasalamat siya kay Lord na kamukha ni Jessy si baby.

“Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you thank you Lord kamukha ng Mommy!” aniya.

Nu’ng isang araw naman ay nag-post si Jessy ng baby bump at sinabing officially five months preggy na siya.

Sa ngayon ay inaabangan na ng netizens at fans ang gender reveal ng mag-asawa.

AUTHOR PROFILE